†
[Kimberly's P.O.V.]
Place: Faculty Room | Date: December 7, 2012 | Time: 8:11am
Nagtago na kami sa isa sa mga faculty rooms dito sa faculty hall. Hindi ko alam kung anong year. Pero parang 2nd year college na faculty.
"Buksan mo na yung ilaw, wala na sila." sabi ko kay Anna Marie. Siya kasi ang pinakamalapit sa switch. Binuksan na niya ang ilaw. Pero hindi ko aakalaing ganito ang makikita namin sa faculty room.
"Ha?!" sigaw naming lahat. Napatitig lang kami.
"Fuck!" sigaw ni Ryan. Tinakpan niya ang ilong niya.
Nakita namin ang skeletal system ng mga kaklase namin. Hindi naman trip ng zombie ang mga buto, kaya kinolekta ng killer ang mga buto nila. Yung iba, may kasama pang laman. At ang masaya pa, may label pa sila ng pangalan nila. Astig diba?
"Gross." sabi ni Angel. Napatakip na lang siya gn ilong niya at umiwas ng tingin sa harap namin.
"What kind of butchery is this? What. the, eff!" sigaw ni Aila.
"Ayoko na! I'm outta here!" sigaw ni January. Lumabas siya ng faculty room. Hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Baliw ba siya? Hindi ba niya alam na may mga zombies sa hall na'to?!
"January!" sigaw ko sa kanya, kaso mukhang 'di niya narinig.
"Hayaan mo nga siya. Ang arte-arte kasi may palabas-labas pa ng room. pwede namang magtakip na lang. Babalik din 'yan!" sigaw ni Angel sa akin. Then she rolled her eyes at me.
"Duh. President ako ng klase, and you don't have the right to speak that way at me, beyotch. At isa pa, kung wala kang magagawang matino, 'wag ka na lang magsalita, okay? I don't need your fucking opinion!" sabi ko sa kanya. Nakakairita kasi. Napakamakasarili ng babaeng 'yan. Honestly, 'di ko nga alam kung bakit pa 'yan nakatagal eh. Kung ano talaga sa kanya, tatalon na 'ko sa pool of zombies.