† Dead 23 - Unraveling

1.6K 38 7
                                    

[John Victor's P.O.V.]

Place: Schoolwide Comfort Rooms | Day: December 2, 2012 | Time: 4:45am

*yawn*

Grabe, ang lamig dito sa CR, pero ang baho. Kasi wala na yung mga janitor / janitress na naglilinis e. Zombies na silang lahat. I think we're the last man standing on earth. Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Katabi ko sina Christine at Aila. Natutulog sila ng mahimbing. Biglang tumunog ang tiyan ko. Ang lakas. Gutom na kasi ako e. Ilang araw na kaming walang kinakain. Simula prom night, November 27, 2012 pa yun. 6 days na kaming TNT dito. Naglakad lakad na lang ako. Biglang may tumawag sa pangalan ko.

"JV!"

Napalingon ako. Nakita ko si Anna Marie. Tapos tumayo na rin si Paulo.

"Saan ka pupunta, huh?" tanong ni Anna.

"Uhm, maglalakad lakad lang." sabi ko, habang kinakamot ang mata ko.

"Wews." sabi ni Paulo. Biglang nagising si Janvin. Naghikab hikab, unat-unat at ayun, eventually, tumayo na siya, bigla niya akong tinanong.

"JV, anong ginagawa mo sa gubat diyan sa likod kagabi? Parang may kausap ka." sabi ni Janvin.

"A-A-Wala yun!" sabi ko. "Umiihi lang ako 'non!"

"Talaga lang ha?" sabi ni Janvin. "Baka naman may iba ka pang ginagawa aber?"

"Hmmm.. E bakit ka rin nandun sa gubat kagabi?" tanong ko. "Ano ding ginagawa mo?"

"Wala lang!" sabi niya. "Nagising kasi ako dahil may narinig akong naguusap-usap, tapos ikaw lang pala mag-isa. Natakot nga ako eh kasi wala ka namang kausap pero nagsasalita ka mag-isa."

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon