†
[Rogel's P.O.V.]
Tumakbo kami papalayo kay Angel. Sabi nila Annie at Ryan, sila ng bahala sa kanya, hinihiling ko lang sana ngayon na sana mapatay na nila ang hayop na Angel na 'yan, kung hindi dahil sa kanya, hindi kami magkakaganito. asng daming napatay! Ngayon, tatlo na lang kaming buhay mula sa zombie apocalypse ng lintik na babae na 'yan! Sa pagtakbo namin, tinanong namin si Mr. Ravanes.
"Hmm, kaano ano mo si Angel?" tanong ko sa kanya habang tumatakbo nang matulin.
"Wala. We're not relatives. Nakilala ko lang siya sa isang mental hospital dati." sagot niya habang pinupunasan ang pawis niya sa noo gamit ang likod ng kanyang kamay.
"What? Mental hospital?!" tanong ni Anna Marie, halata at bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mukha.
"Oo, nabaliw kasi siya dati, kaya two years siyang naconfine sa mental hospital. Naging doctor niya ako. At naging close kami. Dun ko siya nakilala.'' sabi niya. Nakatingin lang kami sa kanya, naghahantay ng kasunod na pahayag niya. "Mayroon siyang acute or mild dementia na lumala dahil sa pag-ayaw ng utak niyang tumanggap ng antibodies at gamot." Napakunot ang noo namin ni Anna marie.
"Hmm.. Seems legit." sabi ko, umiiling.
"Eh bakit ka naman sumunod sa gusto niyang magkaroon ng zombie apocalypse?!" tanong ni Anna Marie, halatang naiinis. Ako din kaya. Sadyang maswertr kaming dlawa na matira dito sa lintik na buhay na 'to.
"Kasi, kinidnap niya yung pamilya ko at sinabi niyang papatayin niya sila kung hindi ako gagawa ng isang chemical na magbibigya ng isang reaction na magpapasimula ng isang outbreak." sagot ni Mr. Ravanes. "May dementia siya, kaya niyang gumawa ng mga bagay na hindi magagawa ng isang normal na tao."
"Hmm... Grabe siya. Baliw pala si Angel? Pero bakit hindi siya nagpahalata?" tanong ko.
"Kasi nagbilin ang mga magulang niya na bigyan siya ng special attention para mabilig siyang gumaling. Nagkaroon siya ng tutor sa loob ng mental hospital. Kaya siya tumalino." sagot ni Mr. Ravanes.