†
[Annie's P.O.V.]
"Guys, I'm so sorry! H-Hindi ko naman talaga sinasadyang buhusan siya ng antidote e! Ts-Tsaka...Tsaka hindi ko alam na may asido yung antidote!" sabi ko. Explaining on what happened a while ago. Hindi ko naman talaga sinasadya 'yun, at tsaka sinunod lang naman namin 'yung nakalagay sa libro, eh!
"Tsk. Nakakainis naman." sabi ni Julia. "As if namang may manijniwala at may magtitiwala pa sa'yo pagkatapos ng mga nangyari 'no!"
"Wag na muna tayong mag-usap. Ilock muna natin lahat ng pintuan. Kailangan wag tayong maingay. Mahirap na, tumatakbo na sila." sabi ni Christine. Napabuntong-hininga na lamang kaming lahat.
"Sige." sabi ni Yaj. Nilock niya kaagad ang mga pintuan, sinara lahat ng jealousy at tinakpan ng kurtina. At naupo kami sa sulok ng kwartong aming pinasukan.
"Lord, have mercy on us and to the whole world." sabi ni Precious. Nagdadasal na naman siya sa may isang sulok. Biglang nagring yung cellphone.
KKRRRIIINNGG! KRRIIINNNNGGG! KRRRIIIINNNNGG!
Nagkatinginan kaming lahat, pwera lang kay Precious at sinagot ko kaagad ito, mahirap na't baka mamaya'y marinig pa ng mga zombies, edi dehado kami niyan.
"Hello." sabi ko, tinatakpan ng kamay ko ang aking bibig.
"Hello, sino to?" tanong niya. Loko 'to ah.
"Si Annie 'to, ikaw?" sagot ko.
"Si Christian 'to, nasakin pa rin yung cellphone na binigay mo sakin nung isang araw, nasaan kayo?" tanong ni Christian. Malamang, paano ka makakatawag kung wala nasa'yo 'yung cellphone? Baliw.