†
[Ryan's P.O.V.]
Matagal na rin kaming naglalakad. Wala pa rin kaming kaalam alam kung nasan ba kami--at kung tatagal pa ba kami.
"Pagod na ako." reklamo ni Jiemaica.
Maski ako rin naman ay napapagod, natatakot, at nawawalan na ng pag-asa. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa iba ko pang mga kaklase.
Lumubog na ang araw. Pagod na din kaming lahat. Nasa'n na nga ba kami?
"Guys, gawa muna tayo ng temporary sleepover naten." sabi ni Ronalyn.
Ayun, gumawa na kami ng matutulugan namin, masakit na mga binti namin eh. Nauuhaw na nga din kami at nagugutom. Paano ba naman, since the other day pa walang laman sikmura namin, puro kaba't takot lang.
Kinakabahan ako sa lugar na ito. Napansin ko napapagitnaan kami ng isang malaking ilog at isang napakahabang building.
Nakaisip ako ng ideya.
"Guys, may naisip ako." sabi ko, tuwang-tuwa.
"Ano yun?" tanong ni Maverick na halatang pagod na pagod na.
"Gusto niyo bang makaalis sa lugar na to?" tanong ko.
"Oo naman. Sino ba namang gustong manatili dito?" sabi ni Kennedy.
"Pwede tayong umakyat diyan sa building na iyan. Kahit hanggang sa 1st floor lang." sabi ko. "Sa gayon, makagawa tayo ng isang taguan sa isang classroom."