†
[Aila's P.O.V.]
Place: Hallway | Date: December 7, 2012 | Time: 10:48am
Tumakbo kami nang tumakbo. Iniwan namin silang nagpapatayan doon. Hindi naman sa makasarili kami, dahil lang talaga sa takot at sila na mismo ang nagutos sa amin na umalis na. Ipinagdarasal ko lamang na sana nasa mabuting kalagayan sila.
"Sana okay lang sila." sabi ni Angel.
"Kayanga e. Pagdasal nalang naitn sila at sana mapatay nila ang demonyong yun." sabi ni Ryan.
"Diba, dalawa sila?" tanong ko kay Ryan.
"Hmm.. Nung pinaglaruan niya kami, dalawa sila. Ibig sabihin, isa pa rin satin?" sagot niya, tumatakbo, nahuhuli siya dahil nga may sugat pa din siya sa paa.
"OMG. Ayoko na." sabi ko sa kanila. Pagod na pagod ako. Gusto ko nang matapos 'to!
"Naiihi ako guys. Wait lang." sabi ni Anna Marie.
"Samahan na kita. Baka may mangyari pa sayo." sabi ni Annie, hinahabol si Anna.
"Sige, tara na!" sabi naman ni Anna Marie, tumigil upang maabutan siya ni Annie.
Nakatayo lang kami sa hallway. Nagkatitigan lang kami. Bigla kaming may narinig na pagtakbo. Zombies. Nakakatakot na 'yung tunog nila.
"Fuck! Nandiyan nanaman sila." sabi ni Rogel, napakamot siya sa ulo niya.
"Tago na tayo!" sigaw ko. Agad naman kaming nagtago sa isang malaking kabinet, lalagyan ng mga sports equipment. Malaki yung cabinet, at kasya naman kaming apat dito.
"Lord God, have mercy." sabi ni Angel.
Lumakas ang mga yapak at pagtakbo nila, napapikit na lamang ako. Ngunit maya maya, nawala na ang mga yapak. Pero hindi pa rin kami umaalis sa kabinet, we want to play this game very, very safe.
"Wala na, halika na." sabi ko nang maramdaman kong nakalayo-layo na sila. Lumabas naman kami, at nagmasid. Wala naman sila, the place is silent as hell. Medyo matagal din kami sa kabinet. Nakita din namin sila Anna Marie at Annie paakyat na.
"Woo, kala ko may nangyari na sa inyo e." sabi ni Rogel. "Ang tagal niyo kasi!"
"Tss. Nagtago din naman kasi kami diba? Duh. We also have our own lives to save, 'no!" sigaw ni Annie habang papalapit sa amin.
"Haha, buti naman at nakaligtas kayo?" tanong ni Ryan.
"Nako, wala yan. Kami pa!" sigaw ni Annie.
Biglang may putok ng baril na narinig sa paligid. Napadapa kami.
BAAAAAANNGG!
"Nandiyan na siya." sabi ni Ryan.
"Tara na! Kailangan na nating magtago!" sigaw ko. Agad naman kaming tumakbo papalayo kay John. Our lives at stake here.
"Kailangan magtago tayo sa isang lugar na hinding hindi niya tayo makikita." sabi ni Anna Marie.
"Saan ka naman makakahanap ng ganun?" tanong ni Angel. "Halos lahat naman ng lugar dito sa school makikita ka eh!"
"Hmm.. Dito na lang tayo magtago sa likod ng mga locker!" sigaw ko. Napatigil sila. 'Yung mga lockers namin dito, nasa issang hallway lang. Parang yung mga faculties, yung mga comfort rooms, at yung mga cafeteria, snack stalls, and vending machines, nasa iisang hallway lang sila. 'Yung lockers namin dito may spare space sa likod, punong-puno lang 'yan ng mga papel na 'di man lang nalilinis kasi no one bothers.
"Ha? Sa likod niyan?" tanong ni Rogel. Nag-aalinlangan.
"Bahala ka. Basta ako sa likod ng mga locker." sabi ko. Agad naman akong pumunta sa likod ng lockers. Sa hindi niaasahan, may nakita akong hagdan pababa. Medyo malayo pa siya, at kailangan mo pang gumapang ng ilang minuto para marating 'yon, but I think it's worth the try.
"Guys! May hagdanan dito o!" sigaw ko. Agad naman silang nagtakbuhan para makita.
"Hmm.. Saan naman kaya yan papunta?" tanong ni Ryan,
"Ewan ko e. Ano? Kakagatin ba natin?" tanong ko.
"Sige! Ayan na lang ang tangi nating pag-asa!" sigaw ni Annie. Isa isa na kaming bumaba. Mahaba ang hagdan, at marupok, kailangan 100% ingat ang gagawin.
"Sana ligtas 'to kung saan man nya tayo dadalhin." sabi ni Angel.
"Oo nga e." sang-ayon ni Anna Marie. Nakababa na ako, si Rogel at si Ryan sa lupa.
Hindi naman katagalan, nakaabot na kami sa lupa. Napadpad kami sa siyudad. Sa syudad na walang katao-tao, o ka-zombie zombie.
"Nasaan na tayo?" tanong ko. Napakibit balikat na lang silang lima.
"Let's roam the place." sabi ni Rogel, nauuna na sa grupo naming maglakad.
"Tara." sabi ni Angel. Malamig ang paligid at ang simoy ng hangin, parang abandonadong lugar na to. Nakakatakot. It makes my bones chill.
Nadaanan namin ang isang fast food restaurant.
"Food!" sigaw naming lahat. It's been weeks since the last time we'd eaten heavy meals! Umaasa lang kami sa tinapay na dala at bitbit nung iba naming kasama eh!
"Salamat Panginoon! May pagkain!" sabi ni Annie. Kumain kami ng lahat ng makikita namin. Burgers, French fries, spaghetti, pasta, macaroni, chicken fillet, Coke, ice cream, at lahat ng makita namin! Walang katao-tao dito, pero alam kong mayroon...dati. And I think hindi na sila nagbother na buksan ang refriderators dahil mas gusto nilang kumain ng tao.
"Thank you! Nakakain din tayo!" sabi ko. Natuwa na kaming lahat noon. Pagkatapos naming kumain at magpahinga, nagpasya na kaming umalis.
"Guys, alis na tayo, kuha tayo ng mga armas natin sa shopping centre malapit dito." aya ni Rogel.
"Sige, para makasigurado narin." sabi ni Angel.
Naglakad lakad na kami para pumunta at maghanap ng isang shopping centre dito. At sa awa ng Diyos, meron naman.
"Halika na, maggagabi na rin, dali!" sigaw ko. Agad agad na kaming pumasok at pumunta sa guns and machines area ng mall. Nakakapanlumo ang kalakihan ng store.
"Wow, angdaming armas!" sigaw ko.
Nagkanya kanya na kaming hakutan ng mga baril. Hakot dito, hakot doon.
"Guys, ammunition." sabi ni Rogel at inabot niya sa amin ang tigi-tigisang ammunition.
"Ay oo nga no!" sigaw naming lahat. "Salamat."
"Hmmm, let's face John now. We're five, he's just one." sabi ni Anna Marie.
"Tama!" sigaw ko. Umalis na kami sa guns and machines area at nakita namin ang sandamakmak na zombies na nakasdungaw sa main door ng shopping centre. Ang bilis nilang makahabol sa amin!
"What the heck?! Saan ba sila nangagaling!?" tanong ni Annie.
"Second floor guys, second floor." sabi ni Anna Marie. Tumakbo na kami pataas, gamit ang sirang escalator.
BANG!
Uh-oh.
†