† Dead 20 - The Building Of Toilets

1.8K 39 3
                                    

[Anna Marie's P.O.V.]

"Arrgh. Ayokong mastuck dito sa loob, we gotta find a new way to get outta here!" sigaw ko. Kanina pa kami nakanganga dito. Nastroke na kami sa takot. Sunod sunod ba naman silang namatay e.

"Halika na. Gota keep moving." sabi ni Maverick. Gumapang na siya ulit. Sumunod naman kami. Nadaanan namin ang bangkay ni Rosette. Hindi na lang ako tumingin, naawa kasi ako e. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Nagapangan ko pa ito.

"Yuck." sabi ko at pinunasan ang kamay ko ng aking suot na duster. Alam niyo naman, this is a story of a prom gone wrong.

"Wag tayong babalik. Ang mga zombies nasa butas lang at nakaabang." sabi ni January, at nagpatuloy pa kami sa paggapang.

"Sssshhh..." sabi ni Maverick. Siya ang nangunguna sa paggapang. Sumusunod lamang kami sa kanya.

[Sequence of paggapang:]

[Nauuna] Maverick <-- Ako <-- January <-- Ronalyn <-- Janvin [nahuhuli]

Mabagal lang ang gapang namin. Mamaya lumusot nanaman yung mga kamay at hablutin kami, kaya ngayon ay todo na kami sa pag-iingat.

"Walang ibang daan dito. We're stuck." sabi ni Maverick at dumungaw patalikod sa amin.

"Whatta?!" sigaw ni Ronalyn. "Gumapang tayo at nabawasan pa ng like madami, ta's wala lang lahat nang ginawa natin?!"

"Hay nako. Bangmalas ng buhay." sabi ni Janvin. Napatigil nalang kami sa kalagitnaan ng passageway at natulala ulit. Sumandal na lang ako sa pader at may naramdaman akong kakaiba.

"H-H-Ha?" sabi ko. Napatingin silang lahat sa akin. Kinakain ng pader ang katawan ko. Para bang may kumakain at may kakaibang bagay na humihila sa akin, pero hindi ako nakaramdam ng kahit anong sakit, basta masikip lang at medyo nakaka-suffocate, pero wala man lang akong naramdamang kahit anong kumikirot. Hanggan sa--

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon