†
[Kimberly's P.O.V.]
Natapos na kaming magpahid-pahid. Ngayon, pupunta na kami sa gate para makalabas. This. is. it. Makakalabas na kami sa pesteng lugar na 'to na kinain ang kalahati sa mga kakalse namin.
"Julia, palagay naman sa bulsa mo, puno na kasi yung laman ng bulsa ko e, palagay naman." sabi ni Annie kay Julia, inabot niya ang cellphone dito. Pero may bag siya diba?
"Ah, okay!" sagot ni Julia, inabot ang cellphone, at nilagay sa bulsa niya. Lahat nakatingin sa kanila, at nagpatuloy na kami sa pangagaya.
"Dasal muna tayo." sabi ni Precious.
"Sige sige!" sigaw ni Janvin. At nagdasal na kami. Na sana makarating kami sa kabilang dulo ng school. Matapos magdasal, nagsimula na kaming maglakad na parang zombie. Nakikita nanamin sila, kinakabahan na ako. At pati siguro sila. Ayan na. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobra.
"Good luck guys!" sabi ko, pabulong lang. Ayan na, nakasalubong na namin sila. Hindi ko na nilingon ang mga mata ko, baka mahalata pa nila. Nauuna sina Annie, Rogel, Christian, Angel, John, Ryan, at Aila, kasunod na nila ako. Hindi ko alam ang performance ng iba sa likod ko.
Parami na ng parami ang nakakasalubong naming mga zombie. Kinakabahan na ako. Isang ubo ko lang patay na ako. Nang biglang may tumunog.
KRRRIIIIIIIIIIIIIINNNNGGGG!! KRRRRRRRRIIINNNNNNNNNGGGG!
"Tumunog yung cellphone!" sigaw ni Precious, napatakbo siya pabalik, ewan ko kung bakit. Who the heck will risk their life to answer a phone call? Naks, ume-english, tinranslate ko 'yan sa Google Translate. Naramdaman kong lumingon ang mga zombies sa kanya, at tumakbo't hinabol siya. Napahinto ako saglit, alam ko kasi ang mga susunod na mangyayari, alam kong president din ako ng klase, at kailangan kong gumawa ng paraan ngunit wala talaga eh, it's now or never. Kaya dumiretso lang ako ng paglalakad-zombie.
"Arrrrggghhhhh!" sigaw niya, naririnig ko 'yung pagpunit ng balat niya. "Arrrrgggghhhhh, Hesukristo, patawarin mo ako!"