†
[Ryan's P.O.V.]
Inaalalayan ako ni Jiemaica, kasi nga nabaril ako ni Ronalyn sa braso kanina, ngayon, nandito kami sa isang corridor na hindi ko alam kung saan kami dadalhin. Nasa likod namin sina Ronalyn at Kennedy. Nabaril ko din si Kennedy kanina. Kaya nga nakakapanghinayang. Pero masakit din yun para sakin, kasi nga nabaril din ako. Hindi ko naman masisisi ang mga kaklase ko, 'di ba?
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa guardhouse. Mukha ngang hindi to guardhouse e. Mukhang palasyo. Ang laki ng lugar, it seems legit.
"Hay, kanina pa tayo naglalakad dito. I need to rest." sabi ni Janvin.
"Edi magpahinga ka, iwan ka namin diyan." sabi naman ni Hazel. Napatawa na lang yugn iba sa amin.
"Kk." sabi ni Janvin.
"Tama na, mamaya marinig pa kayo ng zombies diyan e, madamay pa kami." saad ko.
"Okay." sabi ni Hazel at Janvin habang naglalakad sila.
Patuloy lang kami sa paglalakad. Pero parang papalapit ng papalapit ang kakaiba pero pamilyar na tunog sa likod namin.
"Guys, may naririnig ba kayo?" tanong ko. Nasa likod ko sina Ronalyn, Kennedy, Hazel at Janvin.
"Roger." sabi ni Kennedy, habang hawak hawak yung braso niya gamit ang isang panyo ng may tumutulong dugo.
NA MAY TUMUTULONG DUGO.
TUMUTULONG DUGO.