†
[Rogel's P.O.V.]
Place: Library | Date: December 7, 2012 | Time: 7:17am
"Morning guys! Walang good dahil hindi pa tayo nakakakain, nakakainom, at nakakatakas sa school naten." sabi ko. agad naman sialng nagsibangunan. Tinakpan ko 'yung bibig ko dahil alam niyo naman, morning breath. Haha!
"Haha! Good morning din!" sagot ni Angel, tumayo na siya na may hawak na bote ng tubig at nagmumog sa isang sulok ng library.
"Oh? Saan galing yang pasa mo?" tanong ni John sakin. Napatingin ako sa kanya, napansin niya kaagad? Kagabi kasi, nabagsakan ako ng libro habang natutulog ako, sa tabi kasi ako ng bookshelves natutulog, kaya pagkaikot ko, natabig ko 'yung isa sa mga bookshelves at nahulugan yung braso ko, sumakit nga ito eh kaya ako nagsiing at naalimpungatan--kaya namaga, at ngayong umaga, nagkapasa.
"Wala to, nabagsakan lang ng libro kagabi." sagot ko.
"Ahh.." sabi ni John. "Pagaling ka ha."
"Gutom na ako." sabi ni John Victor.
"Sus naman! Wala ka nang inireklamo kundi ang pagkagutom mo!" sigaw ni January sa kanya. Natawa lang ako.
"Sus! Parang ikaw hindi ka nagugutom ah! Umaasa na lang tayo dun sa tirang tubig na dala nina Annie at Angel tas sa tinapay na napuslit natin dun sa may prom at canteen. Ubos na kaya!" sabi ni John Victor. Tumayo siya at naglibot-libot sa may library.
"Dahil 'yon sa'yo! Ikaw kaya umubos ng lahat!" sambit ni January.
"Ako din e." sabi ni Aila.
"Oo nga, tsaka hindi ka naman nabubusog e." sabi ni Ryan.