†
[John's P.O.V.]
Place: Special Gate | Date: December 4, 2012 | Time: 4:04 pm
Paakyat na kami! Ang saya! Joke. Nakakakaba. Nakakaiyak. 16 left. Billions and billions of zombies everywhere. Pilit nilang inuuga yung gate. Kasi hindi sila makaakyat, wala kasi silang isip, kaya antg tanging ginagawa na lamang nila ay ugain ang gate upang mahulog kami. Bawat hakbang ko pataas ay mahigpit ang aking pagkakahawak sa gate. Ayokong mamatay, and this is one of the worst cases and ways to die. Really.
Pinakahuli sa Ronalyn na umaakyat. Mabagal lang siyang umakyat, parang nahihilo, yung sugat niya sariwang sariwa pa rin. Para talagang may mali, parang...kakaiba na 'yung itsura niya, I mean, oo, lahat kami pagod at gutom at lahat na ng masasamang pakiramdam sa mundo, pero, may kakaiba talaga sa kanya--namumutla, parang nanghihina, siya na nga 'yung nasa dulo eh. Nakakatakot na siyang kumilos.
"Hold on tight!" sigaw ni Rogel. Nakatawid na siya sa kabila. Mukhang ligtas na siya. Bababa na lang siya. Nakaakyat na rin si Aila. Tapos si Anna Marie. Tapos ligtas na rin si Annie at Christian. Si Angel din nakatawid na. Nakatingala na lamang sila at hinahantay kaming makatawid sa kabila.
[Natitirang umaakyat: Nauuna: Ako, Ryan, John Victor, Kimberly, Jerwin, Janvin, Jiemaica, January, Yaj, Ronalyn]
"Gosh dali!" sabi ni Jiemaica. Agad naman akong nagmadali, ayun, nakatawid na din ako. Level 20k na yung pagalog ng gate. Nakakahilo na. Biglang nabali ang kalahati ng metal bars. Nakabitin na si Janvin, naputol ang inaapakan niyang metal bar kaya naman wala na siyang tinutungtungan, wala kaming magawa kaya naman nagpatuloy na lamang kami sa pagakyat. At daghil nga nakabitin na siya, naunahan na siya nina Jiemaica at January.
"Janvin akyat! Dalian mo!" sigaw namin, nasa labas na kami ng school. Inaantay na lang ang iba para matapos.
"W-Wait lang guys! H-Hindi ko k-kaya!" sabi niya. Nakatawid na din si Jiemaica, Ryan at Jerwin. Tinulungan namin silang makababa sa pamamagitan nang pagsalo sa kanila.
[Natitirang umaakyat: Nauuna: John Victor, Kimberly, January, Janvin, Yaj, Ronalyn]
Nakarecover na si Janvin. Ummakyat na rin siya, nakatawid na naman sina John Victor, Kimberly, at January. Sina Janvin, Yaj at Ronalyn na lang ang natititra sa gate, nasa dulo na si Janvin at makakaakyat na siya. Masyadong mataas ang gate, kaya pala bihira lang ang makapagcutting sa klase dahil sa sobrang sakripisyo ang gugugulin mo para makalabas ng gate ng school. Hassle.