†
[John Victor's P.O.V.]
Namulat na lang kami sa isang madilim na lugar na medyo malamig. Nagising ako na nakatali at sila din. Tumingin ako sa paligid, nakikita ko lang 'yung outline ng mga katawan nila. Ang huli kong naaalala ay ginising ko sina Ryan at ayun na, parang nahuhulog kami pero hindi ko alam kung papano.
"Guys? Nasaan yung iba? Yung mga zombies? Tsaka nasaan tayo?" tanong ko. Walang sumagot, pero narinig ko 'yung paghinga nila at yung pag-impit jng boses nila. Halatang natatakot sila. Siya nga pala, kasama ko dito sina Ryan, Jiemaica, at Jerwin.
Biglang nagbukas ang mga ilaw.
"Hello guys!" sigaw ng isang tao. Hindi pamilyar ang boses niya. Napatingin na lang kami sa kanya. May suot siyang pure black na damit, nakatakip din ang mga mata niya ng parang sunglasses--pero mas malaki, at nakatayo siya sa isang plaform sa bandang dulo ng kwarto--malawak ang kwarto, ngunit wala itong laman, pero mukha itong kakaiba.
"S-Sino ka? Anong ginawa mo sa mga kaklase namin?!" sigaw ni Ryan. "N-Nasaan kami!?"
"Ssh-ssh-ssh.. Don't worry for them, instead, worry for yourselves." sagot niya. Bigla siyang tumawa--hindi namin mahulaan kung sino ba siya, pero alam naming isa siya sa mga kaklase namin. Paano niya nagagawang ibahin ang boses niya?
"Sino ka ba?" tanong ni Jerwin. Nakatali ang mga kamay namin kaya't 'di kami makapiglas at labanan siya. Wala kaming pag-asang manalo sa kanya kahit na apat pa kami.
"I don't know." sabi niya. "Pero alam kong ako ang inyong sundo. Ako si Kamatayan."
"Tanga ka ba? Pag ako nakaalis dito sa pagkakatali ko papatayin kita!" sigaw ni Jiemaica.
"Kung makakaalis ka pa diyan. Hihi." sagot niya. "Sorry guys, pero kung may last words pa kayong gustong sabihin sa iba nating kaklase, ipasabi niyo na lang sa--" Biglang may dumating na isa pa. Tumingin 'yung kausap namin sa kanya na mistulang nagulat, pero 'di na niya ito kinausap. "Ipasabi niyo na lang sa amin. Nakalimutan ko, dalawa nga pala kami."