† Dead 37 - Bomb Threat

1.5K 28 6
                                    

[Anna Marie's P.O.V.]

Place: Shopping Centre | Date: December 7, 2012 | Time: 1:01pm

Pagkalabas namin sa guns and machines area ng shopping centre. Nakita namin ang sandamakmak na zombies sa main door ng mall.

"Takbo pataas! Sa escalator!" sigaw ni Rogel. Agad naming sinunod ang sinabi niya, umakyat na kami pataas gamit ang escalator. Hindi pa kami nakakalayo, nakarinig kami ng putok ng baril.

BANG!

"Uh-oh." sabi ko sa sarili ko. Napalingon ako, at nakita ko si John. Nakakatakot na ang itsura niya. Hindi na siya ang John na nakilala namin. Puro dugo ang katawan niya.

"P-Paano ka nakapunta dito?!" tanong ni Aila.

"Hindi mo alam. Dalawa kami. Ang isa samin ay nasa inyo." sagot ni John. Bigla kaming kinabahan. Oo nga pala. Dalawa sila. Isa sa kanila ay kasama namin. "Two heads arwe better than one."

"Then, sino?!" tanong ni Ryan.

"Hindi na mahalaga yun, ang mahalaga, maubos ko kayo...isa isa." sabi niya. Tinapat niya ang dalawa niyang baril sa amin, magkabilang kamay.

"Guys, get ready." sabi ko. Tinapat na namin ang mga baril namin sa kanya. "Lahat ng galit niyo ilabas niyo na ngayon."

"Go!" sigaw ni Aila. Pinagbabaril namin si John.

TARARARARARARRARARARARARRARARARARARARARARARARARARARARARARARARARARAT.

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon