†
[Anna Marie's P.O.V.]
Place: Library | Date: December 7, 2012 | Time: 7:40am
Pagkababa namin sa hagdan. Biglang umuga yung lupa. Napahawak kami sa magkabilang pader mna nagsasarado sa hagdan. 'Di na namin pinansin ang katawan ni Christian.
"Fuck. Duck!" sigaw ko. Agad naman kaming dumapa. Nakatakip sa mga ulo namin.
"Gapang tayo, bilisan niyo!" sabi ni President Kim. Gumapang naman kami, kailangan namin makalabas ng library. Nagsimula ng mahulog lahat ng mga nasa kisame. Yung mga ilaw, bato, kahoy, at kung ano ano pa.
"Bilisan niyo!" sigaw pa niya. Binilisan pa namin. Pero, mahirap mag-ingat habang gumagapang na nakatakip pa sa ulo. There's no thing such as multi-tasking. "Walang magpapanic guys!"
Gumapang kami ng gumapang. Malayo pa kami sa main door. Biglang umuga yung mga bookshelves. Kinabahan na ako. Kailangan makalabas kami kaagad dito bago pa kami maipit lahat.
"Hindi ko na kaya! Tatakbo na lang ako!" sigaw ni Angel. Tumakbo siya, masyadong mabagal, pero nakalabas kaagad siya. Gumaya na kaming lahat. Pauga uga din kaming nakatayo, at kalaunan, nakaraos din. Nagsimula ng magbagsakan ang mga bookshelves, libro, cabinet, globo, mapa, charts at kung ano ano pang makikita sa library.
"Dodge!" sigaw ni John Victor. Paiwas iwas kami sa mga nagbabagsakang mga bituin sa langit. Biglang lumkas ang pag-alog ng lupa, napatumba kaming lahat.
BOOOOOOMMM!
Nagbagsakan na ang malalaking bookshelves. Nadaganan nito si Janvin.
"Oh shit! Help me guys!" sigaw niya. Bumalik ako para tulungan siya.
"Agghhhhhh!" sigaw niya habang hinihila ko siya, nauna na ang iba sa labas. Kaming dalawa na lang sa loob ng library.