†
[Christian's P.O.V.]
Place: 1st Year Building | Date: November 27, 2012 | Time: 12:02am
Natapos na kaming magcount-off, at 34 nalang kami. Nandito kami sa tapat ng gate ng 1st year building, naghahabol ng hininga. Ang hi...rap..kasing....tumak...bo...la...lo...na...ka....pag...takot...ka....
Nice, alam ko napabagal ka din sa pagbabasa. Aminin. Hehe.
"Guys. SPG na ang next scene ayon sa script, magsara ng kurtina, maghubad ng salawal, at ilock ang gate!" sigaw ni Michael samin. Bed scene na pala ang next. JOKE! Sabik ka naman kaagad. Kaw talaga, batang bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo.
Nilock agad namin yung main gate ng 1st yer building. Ito lang kasi yung building na may gate e. Kaya feel ni Kim na mas safe kami dito. Feel lang niya.
"Guys, sa pinakatuktok tayo ng building, mas safe tayo dun." utos ni Kim. Ayun, feel niya ulit. Tumayo na kaming lahat at binuhat yung mga dala-dala naming gamit.
Yun, kumilos na kami bago pa kami...
Kami... Oops.
Wala na. Huli na ang lahat. Nakita ko na naglalakad na sina John Dred at Jasmin papalapit sa main gate ng 1st year building.
"Takboo!" sigaw ko.
Agad agad kaming tumakbo papataas.
Takbo.
Pero teka lang. Nalock na ba yung main gate?