†
[Aila's P.O.V.]
We're crawling down the passageway. Kanina pa kami gumagapang. Hindi man lang matapos-tapos 'to. Tsk. Nag-usap usap muna kaming apat habang gumagapang.
"Ano na kayang nangyari sa iba nating kaklase?" tanong ko.
"I don't know. Sana ligtas sila. Pero excemption for Jerwin, Mae Lynn, Kim, Bianca at Rogel, cause they leave us and they don't even warn us. Pure btch." sabi ni Angel.
"Sssss." sagot ni Christian. "Baka naman may dahilan kung bakit nila nagawa 'yon."
"Duh. Kung 'di kasi sila selfish, e 'di sana hindi tayo gumagapang dito! Sana talaga malamon sila ng mga zombies na 'yan." inis na sabi ni Angel.
"O siya siya, tama na yan. Basta, gumapang na lang tayo dito. Mamaya kung ano pang makasalubong natin eh 'di tayo maging alerto." awat ni John.
"Okaaay.": sabay na sabi nila Angel at Christian.
Nagpatuloy na lang kami sa paggapang. Maya-maya'y nakalabas na kami sa passageway na yun at nakita namin ang sarili na nakatayo sa likod ng 1st and 2nd year buildings.
"Geez. Bumalik tayo sa pinanggalingan natin." sabi ni Christian.
"Okay lang yan, at least safe tayo dito." sagot ko.
"Sabagay." sabi niya. Naglakad lakad kami at naglook out-look out para sa mga zombies. Mahirap ng maging behind of time. Kaya kailangan, maging ahead kami. Hindi naman kasi sila tumatakbo e. Kaya mas may advantage kami.
Walang zombies sa range ng mga mata namin, walang tao sa paligid. It's gettin' creepy and creepy. Parang pinapalabas lang ng view na 'to na wala ng natira sa mundo. Kami na ang last humans on the earth.