†
[Unknown's P.O.V.]
Nagpunta ako sa isang liblib na lugar kung saan ako lang ang nandoon. Ako lang mag-isa. Gabi na naman, at tulog na silang lahat, alam ko.
"Madami pa palang buhay, arrrggh." sabi ko sa sarili ko.
"Tatawagan ko na lang si Ravanes. The btchiest teacher of all." Kinuha ko ang cellphone ko, at tinawagan siya.
RIINNGG, RIINGGG, RIIINNNGGG
"Hello? Ano nanaman ba? Bakit ba hindi ka pa rin mamatay matay?!" sabi niya, halatang takot at galit at gulat.
"Ang masamang damo, hindi agad namamatay." sabi ko. "Nasaan na ang antidote?"
"Nandito na. Kung gusto mo puntahan mo ako dito, hindi ako lalabas dito. Lalo na't nakita kong tumatakbo na ang mga zombies." sabi ni Mr. Ravanes. "Goodluck. Ma-infect ka sana diyan you slut human!"
"Mas naduwag ka na ngayong guro ka? Ewan ko sa'yo. Bye! at 'wag na 'wag mo 'kong sasabihan ng mga ganyang salita, dahil una sa lahat hindi ako ganyan!" sabi ko. "Baka nakakalimutan mong nasa puder ko ang buong pamilya mo? Baka gusto mong malagutan na sila ng hininga?"
Binaba ko na ang telepono. Biglang may tumawag sa pangalan ko. Nagulat ako.
"Hey." sabi niya.
"Ha?!" napalingon ako. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Patay.
"Wag ka ng magkaila pa, alam ko ang ginagawa mo simula umpisa pa lang. Pero dahil malaki ang utang na loob ko sayo, hindi kita binubulgar." sabi niya.
"Ha, pwes, kailangan kitang patayin." sabi ko. Tinutok ko ang baril sa kanya.
"Wag mong gawin yan, imbes, kakampi ako sayo." sabi niya, nakataas ang mga kamay sa ere.
"Hhmm... Totoo ba yang sinasabi mo?" tanong ko.
"Oo naman. Buo ang tiwala ko sayo, kakampi mo ako, 101%." sabi niya, nakangiti sa akin. May 'something' sa ngiti niya na nagpapaniwala sa akin.
"Pwes, lets do things together. Ibibigay ko sayo ang ibang gamit ko sa pagpatay, basta, walang makakita, you're free to kill. Anyone, anytime, anywhere." sabi ko. Binigay ko ang kalahating gamit ko sa kanya.
"Itago mo yang bag na yan. Walang sinuman ang dapat makakita niyan." sabi ko. "Walang laglagan, okay?"
"Sige. Makakaasa ka." sagot niya.
"May ibubulong ako sayo," sabi ko, lumapit ako sa kanya at may binulong ako.
"Sure thing. Hahaha." sabi niya.
"Sige, mauna ka na, baka may makahalata pa satin dito. Alis na!" sigaw ko. Agad naman siyang umalis.
The ace is on me. Dalawa na kami. Alam ko lahat ng secret passageway dito sa school. at kayang kaya ko silang libangin at patayin, instantly. Hahahahahaha. HAHAHAHAHAHAHA!
†