†
[Maverick's P.O.V.]
Place: Schoolwide Comfort Rooms | Date: December 2, 2012 | Time: 1:12pm
Nandito kami, naliligo, siyempre tigi-tigisa ng cubicle, maraming cubicles dito. Mabaho na kami, nangangamoy pawis na. Tapos na akong maligo. Fresh na ulit. Hinantay ko na lang sila, marami na ding nasa labas, natural mga lalaki kasi matagal talaga maligo ang mga babae, nagkukumpulan sila. Maya maya, may narinig kaming sumigaw.
"Shit! Anong nangyayari diyan?!" tanong ni Yaj, tapos na siyang maligo.
"Awww! Help me! May humihila ng buhok ko!" sabi ni Christine. Nararamdaman ko yung takot at kaba sa pagsigaw niya, lumapit na kaming mga tapos na upang iligtas siya. Siyempre, ayaw na naming may mamatay pa 'no.
"Nandiyan ka pa ba sa cubicle?" tanong ko."Oo naman! Help me guys!" sigaw niya. "Arrggghhh!"
Binuksan namin ang cubcicle ni Christine, nakita namin siyang nakabihis na, at hinihila siya ng dalawa kamay ng zombie. Ang pangit nila, gray ang balat, malalim at lubog ang mata, mapula at malaman ang mga labi, yuck, nilalangaw din sila. Nakakadiri talaga. I'd rather die than to be one of them.
"Barilin niyo yung kamay!" sigaw ko.
Kinuha ni John Victor ang baril niya, at tinutok sa mga kamay. "Ako na! Excuse me guys!" sigaw niya, may pagka-proud ang boses niya.
"Tama na JV! Wag ka ng bumaril!" sabi ni January. Binaba na niya ang baril niya, mukhang nalungkot, natawa na lang ako. Pinalo namin ang kamay ng zombie pero ayaw pa rin nitong bumitaw. Nakalusot ang mga kamay nila sa pagitan ng mga metal bars na nasa ibabaw ng cubicle ni Christine. Nahugot namin ang buhok ni Christine sa pagputol sa buhok nito, kagaya ng ginawa ni Angel sa buhok ni Annie kahapon.
Pero nabuksan ang metal bars. Nakapasok ang mga zombies. Ngunit dahil maliit lang ito, mabagal silang nakapasok; pero dahil mabibilis na sila, mabilis silang nakapasok. See the irony?