† Dead 2 - The Introduction

7K 115 4
                                    

[Aila's P.O.V.]

Place: Invisible High School | Date: November 26, 2012 | Time: 11:00pm

Ngek. 11:00pm na nagsimula yung sayawan. Hayup yan. Nakatulog nga pala ako. Generally, kaming lahat. Pagkagising ko may ilaw na. Tas bumangon ako. Tas may nakita akong isang guro na naglalakad o nilalakad yung aso niya. Ay ewan. Basta, ayun yung nakita ko.







"Hoy! Tayo na lang ang wala sa baba!" sigaw ko sa mga kasama ko sa Room C.







Nagsitayuan silang lahat, Kanya kanyang hilamos, punas, hikab, pagpapaganda o pagpapapogi. Basta, lahat ng pagpapaganda at pagpapacute sa mga hindi cute, rumesbak na sa pagandahan. Ako, nagtoothbrush at naghilamos at nagpulbo lang, tas nagpagpag na ng damit.







Nakita ko yung ibang mga kakalse namin nasa labas na, sumisilip sa ginagawa namin dito sa room. Kala naman nila meron no.







Pumila na kaming lahat, sabi ni Kimberly, ang president ng klase. Inulit ko lang diba? Nasa POV na ni Kimberly yun e. Inulit ko lang ulit. Ang redundant ng "ulit". Ge.







At bumaba at maghanda sa prom.

[Christian's P.O.V.]

"Buti naman, at nagkailaw den" sabi ko sa sarili ko.







Pagkagising ko, gising na yung iba, nagaayos na sila ng mga sarili nila, at dahil ingitero ako, gumaya ako. Napalingon ako sa bintana, titignan ko sana kung gabi pa ba o umaga na. Gabi pa. Salamat. Kala ko naman hindi kami nagising lahat at walang nagpaalalang prom pa namin. Dapat 5pm yun nagstart e, tapos nauwing 11pm na? Hay, ang school na to talaga. Ang daya. Dito na matatapos ang Point of View ko. Ang daya nung author! Ay nako. Pinapapila na kami ni Kim sa labas. Bababa na daw.

[Kimberly's P.O.V.]

"Guys, Pila na! Dali!" sigaw ko.







Agad namang silang sumunod. Siguro excited silang lahat . Ako din naman e! Bumaba na kami agad. Nagmamadali. Kami na lang kasi ang hinihintay, sabi ng guardian angel ko. Pagdating namin sa prom site, naks, prom site! Maghahanap na kami ng kapartner namin, kaso kulang pa 'ko sa tulog—3 hours lang yung tulog ko sa bahay kagabi, tas 3 hours din kanina sa taas. A total of 6hours! May kasama na yang WilTime jacket at WilPhone! Hatid sa inyo ng Star Mobile! Nandun lang ako. Nakaupo sa isang lamesa. Pinapanood sila at natutuwa na rin ako kasi bilang presidente ng klase namin, nakikita ko silang masaya. Biglang lumapit sakin si Rogel. Ano nanaman bang problema neto?!







"Kim, may kukunin lang ako sa taas ha." paalam niya sakin.







"Gora." sagot ko.







Wala na siyang sinabi pa. Umalis na siya. Sinundan ko siya ng tingin, ang bilis niyang tumakbo.Maliit kasi e. Well. Haha. Tas napalingon ako ulit dun sa mga kaklase kong sumasayaw. Hanggang sa lumapit sa akin si Yaj. Si Yaj yung crush ko pero dati lang yun. Inaaya niya akong sumayaw.







"Sayaw tayo?" tanong niya.







"Ayoko." sagot ko.







"Hindi ka marunong sumayaw?"





 

"Marunong. Pero hindi magaling. Marunong lang."

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon