†
[Unknown One's P.O.V.]
Place: Library | Day: December 4, 2012 | Time: 11:42pm
Hihi. 14 remaining. At isa na ako dun, kaunting-kaunti na lang talaga at mapapasaakin na ang 'the most perfect crime' in the world. Hahahaha! Nandito kami ngayon sa library. Tulog na silang lahat. I think I'll kill them directly. Kailangan ko lang mag-isip kung paano, yung tipong hindi nila mahahalata yung ginagawa ko, yung tipong hindi nila ako mahahalatang ako pala talaga ang mastermind ng lahat. Sa simula pa lang, nagawa ko nang maayos ang plano ko, at nagkaron pa ako ng apprentice. My job's improving, really, really improving. Kailangang matapos ko na ang lahat ng 'to, 12 na lang ang kailangan kong patayin. Hindi naman marami, onti na lang. I just need my voice converter para maconvert ko yung boses ko at para maiba. Ito rin yung ginamit ko nung kinuha ko yung cellphone ni Julia sa kanya. Astig 'di ba? It'll will be the most operfect crime ever conducted. And that credit will be given to me.
Kinuha ko na.
Kinabit ko na sa bibig ko yung mic. Bigla akong may narinig na bumabangon, nagtago ako sa likod ng malaking bookshelf.
Nakita ko si John Victor na gingising si Ryan, bumangon naman si Ryan. Tapos ginising nila yung mga katabi nilang matulog. Sina Jerwin tas Jiemaica. Nakatayo silang apat. Nag-uunat-unat, naghihikab-hikab. Bigla silang lumapit sa isa't isa. But do they think they'll overpower me? Siyempre hindi. Hindi nila alam na lahat ng sulok ng school na 'to ay napaghandaan ko ng iba't-ibang traps. And one of those traps are here in the library.
Pinindot ko yung stage trap button na nasa harapan ko. And, abracadabra, they're gone. Haha, now, I'll tortune them, one, by one.
[Unknown Two's P.O.V.]
Narinig kong pinindot niya yung button. Kaya't nagising ako, tumayo ako nang dahan-dahan, sinisiguradong walang makakakita sa akin, at nilapitan ko siya, pero sinuot ko yung voice converter at black suit ko, bago pa may makakita sakin.
"Alam mo ba kung anong ginagawa mo?!" tanong ko. "Masyado pang maaga! Hindi pa ito ang oras, masyado pa tayong madami."
"Oo. I'll kill them, at alam ko ang lahat nang ginagawa ko. Kung gusto mong sumama, go. Pero kung ayaw mo, just be quiet or else hindi ako magdadalawang isip na pasabugin 'yang bungo mo." tanong niya. "So gusto mo bang sumama?"
"Ayoko." sabi ko.
"Pwes, matulog ka na nga! Mamaya may makakita pa sa atin dito eh!" bulong niya. Agad naman akong umalis at bumalik sa higaan namin, lumingon ako nang isa pang beses at nakita ko siyang papaalis at papalabas ng library.
†