The Dreamer

96 3 1
                                    



The Dreamer 

This is a work of fiction, Names, Characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is pure coincidence. 



ELLORA

Pagkagising na pagkagising ko ay simangot na ako, sino ba naman matutuwa kung alas-nuwebe na ng umaga ay kahit anong pagkain wala? Kahit nakasaing na sana ay wala pa. Wala na ngang kanin, madumi pa 'yung kaldero. Pambihirang buhay 'to.

Pabalibag kong tinakpan ang takip ng kaldero at walang balak na linisin iyon. Baka mangutang na lang ako sa tindahan ng isang kilong bigas saka mga delata.

De lata na naman, sardinas na naman. Feeling ko may sarili na akong fishpond sa tyan dahil sa araw araw ba naman na ginawa ng Diyos lagi na lang sardinas ulam namin, umaga, tanghali at kung seswertehin aabot pa hanggang hapunan.

Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang maagang inuman session ng kuya ko. Sana all may pambili ng alak pero pang-kain wala. Hindi pa ba sunog mga atay nito? Ang aga tumitira sila ng gin bilog, at mukhang mga lasing na. Iinom inom hindi naman pala malalakas.

Inirapan ko ang kuya ko at mga kainuman niya, baka mabubungangaan ko na naman sila at mag-aaway na naman kami ni kuya, ayoko naman makipag-buno na walang laman ang tiyan, mamaya na lang siguro kapag may nakakain na ako.

Dikit dikit ang bahay at pader dito sa iskwater na tinitirhan namin, sa dinami dami namin na nakatira dito ay halos kilala ko na silang lahat lalo na si Aling Nena,

"Aling Nena! Nandito na naman ang iyong maganda---"

"Putangina! Ang aga mo naman nangungutang, Ellora! Wala pa akong benta, hayop ka!"

Napangiwi ako sa lutong ng mura sa akin ni Aling Nena, kung makaka-lusot lang siya sa bakal na harang ng tindahan niya ay ginawa na niya para lang masaktan ako. Pero sanay na ako, sa una syempre galit siya tapos maya maya ay papautangin din niya ako, bwahaha.

"Ang agang mura naman niyan. Magandang umaga din ho, pautang ng isang kilong bigas saka dalawang sardinas, babayara--"

"Babayaran daw! Hoy Ellora, may apo na ako at 'yung utang mo noong bata ka ay hindi pa rin bayad! Punyeta ka!" Bulyaw na naman niya. Kumapit ako sa bakal at nginitian ng matamis si aline Nena.

Ganyan lang 'yan pero nakikita ko na na nagkikilo na siya ng bigas ko.

"Huwag kang mag-alala aling Nena, kapag nagka-anak ako babayaran niya mga utang ko."

"Gaga! Baka nasa hukay na ako bago mangyari 'yon!" Sumunod naman ay 'yung sardinas, sinama niya sa plastic ng bigas.

"Eh 'di mas maganda, ibigsabihin hindi ko na babayaran utang ko."

Padabog niyang inabot sa akin 'yung binili este inutang ko at nagsulat sa mahiwaga niyang notebook.

"Hinulog ka talaga ng langit, aling Nena! Huwag ka munang sasama sa liwanag ah," at nginitian ko siya ng malaki pero ang nakuha ko lang ay,

"Putangina ka talagang bata ka! Huwag ka ng babalik dito!"

Tumatawa akong tumakbo palayo sa kaniyang tindahan, wag na daw ako bumalik eh 'di hindi ko na babayaran mga utang ko, kering keri lang ang request mo aling Nena. Napangisi na naman ako sa kalokohan kong naiisip. Mabuti na lang at kahit masakit magsalita si aling Nena mabait siya, lagi niya kaming pinapautang kahit hindi namin binabayran.

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon