Ellora
Sabi nila 'Habang may buhay may pag-asa.', iyon ang lagi ko naririnig sa mga kapit-bahay namin sa skwater paborito daw nila iyon na kasabihan, habang yung iba naman eh 'Kapag may tyaga may nilaga.' pero ako hindi ako naniniwala doon kasi mas gusto ko sinigang kesa sa nilaga, kadiri kaya nilaga parang pinagbabaran ng baboy na may patis lang.
Iyon ang paulit ulit ko sinasabi sa sarili kapag nahihirapan na ako sa buhay. Personal mantra ko ba. May naiitulong ba iyon sa akin? Syempre wala, gusto ko lang may maisip kaysa naman maging sabog ako. Gaya sa nangyayari ngayon.
"Habang may buhay may pag-asa, habang may buhay may pag-asa, habang may buhay may pag-asa." paulit ulit ko bulong sa sarili habang pinipilit ko ang sarili na ngitian ang walang hiyang tao na gusto ko na bawian ng buhay sa harapan ko.
"Parang ewan ka naman miss sexy. Isang alak lang naman ito bakit ayaw mo pa ako pabilihin? Parang tanga."
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ko ang sarili na bigyan ang lalaking 'to ng malulutong na mura. Hindi ko alam baka dahil bilog ang buwan kaya lahat ng loko loko dito sa lugar na to ay nagsisi-labasan.
"Ilang taon ka nga muna? Mukhang totoy ka pa ah." may policy kasi dito na bawal bumili ang mga minor at kapag nilabag namin iyon ay pwede kami i-pasara.
Syempre ayoko 'nun mag-iisang buwan pa nga lang ako dito mawawalan na ako kaagad ng trabaho? No way, highway!
"Hindi na ako totoy miss sexy, kaya ko na nga mambuntis e." bastos niyang sabi.
Kapag may tyaga, may nilaga, kapag may tyaga, may nilaga, kapag may tyaga, may nilaga.
"Dali na miss sexy. Wag ka na pakipot gusto mo ba bigay ko sayo number ko? Eyeball tayo minsan oh."
Putangina. PAsensya na sa lahat, mas gusto ko talaga ay sinigang.
"Hoy totoy! Tanga ka ba o bobo o pareho? Hindi ka ba nakaka-intindi ng tagalog? Bawal nga e, mahirap ba 'yun intindihin?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Sorry Owen pero baka ma-lugi ang store mo dahil sa akin.
"Anong sabi mo?! Hoy kahera ka lang, customer mo ako!" ganting sigaw niya sa akin at marahas na binagsak ang bote ng alak sa counter kaya nabasag iyon.
Pota talaga, Nag-kalat pa talaga siya!
Agad ko siya binigyan ng masamang tingin. "Hoy ka din! Hindi customer ang tingin ko sayo, isa kang asungot at panira ng gabi! Linisin mo 'yang kinalat mo!"
Ang ganda ng simula ng araw ko, hindi masyado busy ngayon araw dahil ma-ulan tapos dumating 'tong alagad ni santanas at nasira ang lahat. Punyeta naman o!
"Hindi ko lilinisin 'yan! Ikaw may kasalanan kung bakit 'yan nabasag!" akmang aalis siya ng bigla kong hinila ang manggas niya.
"Lilinisin mo 'yan o ipapa-dila ko 'yan sayo? 'Di ba gusto mo ng alak? Ayan dilaan mo na!" punong puno na ako sa totoy na 'to.
Pinalampas ko 'yung pag-puputik niya sa loob kasi naman alam ko ma-ulan at hindi iyon maiiwasan, pinalampas ko din 'yung pa-kindat kindat niya sa akin kasi baka kako may sakit siya sa utak, hinabaan ko ang pasensya ko para hindi siya patulan pero wala, hindi kinaya ng personal mantra ko ang yabang ng lalaking 'to.
Akala yata niya porket babae ako ay hindi manlalaban sa kaniya. Eh baka nga isang sapak ko dito makatulog siya e.
"Hindi ko trabaho 'yan! saka bitawan mo ko!" hindi ko siya pinakinggan at mas hinigpitan ang paghila sa manggas niya.
"Pwes akin na 'yang damit mo, yan ang gagamitin ko pampunas!"
Malakas ko hinila ang manggas at dahil nga nanlalaban siya ay madaling napaunit 'yun, sa sobrang lakas ay kalahati ng damit niya ay nasira ko. Natawa ako kaagad sa itsura niya. May damit 'yung kalahati niyang katawan habang 'yung kabila wala.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.