Ellora
"Nandito sa si kuya! Ellora! Japoy! May binili ako pasalubong sa inyo!" kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto namin nang marinig ko ang boses ni kuya Jepoy.
Excited ako makuha yung pasalubong ni kuya Jepoy sa amin. Ka-uuwi niya lang galing sa school niya sa public college na pinapasukan niya. Lagi siyang may pasalubong kasi nag-papart time siya sa sari sari store sa may palengke malapit sa amin.
"Kuya Jepoy!" imbis na salubungin ko si kuya ay dumiretso ako sa plastik na hawak niya habang si Japoy ay niyakap si kuya.
"Hoy Ellora, hindi mo man lang babatiin? Halatang pasalubong lang gusto mo ah." kunwaring nagtatampo sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko.
Umupo kami sa may kahoy namin sa sofa at naging abala kami ni Japoy kainin 'yung mga chocolate na binili ni kuya. May mga maliliit na chichirya din doon na agad naman namin naubos ni Japoy.
"Sila mama at papa?" tanong ni kuya.
"Wala pa, nasa trabaho daw." Nakatambay kami ngayon dito sa may harap ng tagpi tagpi namin bahay. Binabantayan kasi namin si Japoy makipaglaro sa mga kapitbahay namin.
"Kamust ang school mo?" tanong ni kuya.
"Okay lang." Hindi naman ako matalino tulad nila kuya at Japoy basta makapasa lang ako ayos na.
"Eh si Japoy? Babantayan mo ah." bilin niya sa akin. Nasa iisang school lang kasi kami ni Japoy, magkasama kasi sa iisang school ang elementary at highschool.
"Oo naman."
"Ikaw din, bawal ang mag-boyfriend baka mabuntis ka kaagad." Namula ako kaagad sa sinabi ni kuya kaya hinampas ko siya sa likod.
"Kuya! Wala ako plano mag-boyfriend saka anong buntis ang sinasabi mo?!" nakakahiya naman si kuya mamaya may makarinig eh.
"Aba, mga ganyan na first year highschool mga agresibo ang lalaki, sinasabihan lang kita kasi bata ka pa." inakbayan niya ako.
"Dalaga na kaya ako." nakanguso ko sabi. Ang hirap talaga kapag nag-iisang babae ako msyadong OA si kuya.
"Anong dalaga?! eh Diba naka-baby bra ka pa din?" pang-aasar niya na naman sa akin.
"Kuya!!"
Palibhasa kasi siya ang taga laba namin. Hay nako sa susunod ako na lang ang maglalaba ng bra at panty ko, ang lakas mang-asar ni kuya Jepoy! Pagkadating nila mama at papa ay sabay sabay kami kumain. Tulong tulong kami sa gawain bahay lalo na pareho may trabaho sila mama maruning ako magluto ng mga simpleng putahe lang pero bihira lang iyon dahil puro prito at delata lang naman ang inuulam namin.
Si kuya Jepoy kapag wala sila mama at papa siya ang nagbabantay sa amin ni Japoy, tumutulong din si kuya na kumita ng pera para may pambayad kami sa mga kuryente at pagkain namin, mahina din kasi ang kita nila papa kaya kailangan din namin magtipid pero okay lang kasi sanay naman na kami sa ganitong buhay.
Kaya nga si kuya Jepoy gusto namin siya makatapos kaagad sa pag-aaral para makahanap siya ng maayos na trabaho at medyo guminhawa ang buhay namin. Laki kami sa hirap, dito kami sa skwater nakatira at tagpi tagpi ang bahay namin, kapag may ulan ay madaming tulo dahil butas butas ang bubong namin pero okay lang, masaya naman kami sa kumpleto kami.
Kahit isang kahig isang tuka kami nagpapasalamat pa rin kami kasi ang mahalaga ay may laman ang tyan namin, alam namin na hindi masaya si papa s buhay na nabibigay niya sa amin kaya hindi namin pinapakita na malungkot kami kasi kumpleto naman kami, saka mahal namin ang isa't isa, iyon lang naman ang mahalaga.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.