Chapter 24

15 1 0
                                    


Ellora 

"Are you all packed?" tanong sa amin ni Craige. 

"Oo, wala naman kami gamit dito kaya konti lang 'to." sagot ko sa kaniya. 

Ginuyod ni Japoy ang maleta namin dalawa para i-abot kay Craige at isakay na sa kotse papunta sa bago namin titirhan. 

Naka-pasa sa exam niya si Japoy at pagkatapos 'nun ay tuloy tuloy na namin natanggap ang mga benefits niya sa pagiging scholar ng ESU. Gaya ng sabi ni Craige may dorm na kasama ang scholarship ni Japoy. Kaharap lang ng school ni Japoy ang building na titirhan namin. Noong nga unang beses ko iyon makita ay gusto ko maiyak dahil ang ganda ng dorm niya. 

May dalawang kwarto sa loob 'nun kaya may sarili na kaming kwarto ni Japoy, may hiwalay na CR din kami, may balcony pa kami at sariling kusina at. sampung beses na mas malaki iyun kesa sa bahay namin sa skwater at ang maganda pa ang kumpleto lahat ng gamit sa bahay pati mga appliances kaya wala na talaga kami gagastusin sa paglilipat. 

Cover din ng scholarship ni Japoy ang bills namin kaya talaga wala kami iintidihin sa pera lalo na at malaki pala ang allowance na ibibigay sa kaniya. Gusto ko nga na si Japoy na ang maghawak ng allowance niy dahil para sa kaniya naman kasi talaga iyon pero ayaw ni Japoy ako daw ang ate ako dapat daw ang maghawak ng pera. 

Nahihiya nga ako sa kaniya dahil pakiramdam ko na ako naman ang pabigat ngayon hindi pa naman ako sanay sa ganito kaya balak ko maghanap ng trabaho, syempre 'yung maayos na trabaho tatalikuran ko na talaga 'yung buhay ko sa skwater.

"You're all set?" nilingon ko si Dream na hindi ko napansin na naksunod na pala sa amin. 

Nginitian ko siya. "Oo." 

Nanatili lang kami nakatingin sa isa't isa, wala ako nararamdaman na kahit ano siguro medyo malungkot dahil hindi na kami nakatira sa iisang bubong pero ayos na din iyon hindi naman pwede na lagi ako naka-depende kay Dream. 

Isang himala nga na pumayag siya na umalis ako. SIguro dahil na din sa pinag usapan namin noon nakaraan na araw at nagising siya sa kahibangan niya. 

"O huwag mo sabihin na pipigilan mo ko? Hindi na pwede masyado na ako excited sa bago kong kwarto." sinubukan ko mag-biro masyado kasi siya seryoso nitong mga nakaraan araw. 

At ayoko na isipin niya na dito natatapos ang lahat sa amin. Siguro kokonti ang oras na magkasama kami pero hindi naman ibigsabihin 'nun ay lalayuan ko na siya. May nararamdaman pa rin naman ako para sa kaniya at sa tingin ko ay hindi iyon basta basta mawawala lang. 

Masyado 'tong malalim to the point na kaya ko baguhin ang sarili ko para sa kaniya. 

Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako para bang kinakabisado niya ang mukha ko. Lalo tuloy lumaki ang ngiti ko sa kaniya. 

"Magkikita pa naman tayo ulit ah." pambibiro ko sa kaniya. 

"I'll visit you everyday." natawa ako sa kaniya at tinalikuran na siya para sumunod kela Japoy.

Napabuntong hininga ako 'nang makita ko na kumpleto ang alipores ni Dream sa labas at hinihintay kami, kasama ba silang lahat? Dalawang maleta lang naman ang gamit namin ni Japoy pero walo silang maghahatid sa amin. 

"Bakit ba lahat kayo sasama? Gaano ba kabigat ang maleta namin?" 

"Nakakasakit ka naman ng damdamin Ellora, gusto lang namin ikaw ihatid sa huli mong hantungan---" binatukan ko na kaagad si Lucio. Wala talagang matinong lumalabas sa bibig nito. 

"Gusto mo ikaw ang dalhin ko sa huli mong hantungan?!" singhal ko sa kaniya at inirapan. Siraulo talaga. 

"Finally, napalayas na din kita." nakangisi na sabi ni Celestine. Alam ko naman na siya ang pinakamasaya sa pag-alis ko sa mansyon. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon