Chapter 6

15 0 0
                                    


Ellora

"Ano na naman po ang maipaglilingkod ko, kamahalan?"

"Mag-damo ka."

"Masusunod po."

Kung totoo lang na nakakamatay ang tingin ay siguro unang pagkikita palang namin ni Dream ay patay na siya. Daig pa niya ang mga tambay sa may skwater namin sa sobrang baho ng ugali niya! Ang bango at linis nga niyang tignan ang sama naman ng ugali!

Mag-dadalawang araw palang ako na katulong niya pero iyong mga na-trabaho ko ay daig ko pa mga matatagal na nilang katulong dito sa dami kong trabaho. Kulang na lang pati kisame at bubong nila ay walisin ko.

"May araw ka din sa akin, Dream Cordova. Nag-iipon lang ako ng sama ng loob para pasabog talaga kapag gumati ako sayo." Nang-gigil kong bulong sa sarili.

Alam ko naman na hindi ako naging mabuti sa buhay ko pero parang sobrang parusa naman yata ang nangyayari sa akin? Parang umakyat mula sa impyerno si Santanas at pinag-tripan ako. Mukha ba akong natutuwa sa trip niya? 

"Pasalamat sila at masarap ang ulam dito." Gusto ko na lang maging damo tapos kapag tinapon na ako sa labas ng mansyon ng Cordova ang babalik ako sa pagiging tao para lang makatakas sa lecheng Banungot na 'to . 

Hindi ko alam kung sabog si ma'am Miracle at ipinangalanan niyang 'Dream; ang panganay niya eh bangungot naman ang dala sa buhay ko. 

"Tirik na tirik ang araw habang nag-dadamo ako sa napakalaking bakuran ng mga Cordova, siguro patay na ako at hindi pa rin ako tapos sa trabahong 'to. Baka ikamatay ko na talaga ang pag-dadamo pero ang pangit naman ng cause of death ko, over-fatigue dahil sa pag-dadamo? Deserve ko ba 'to? 

"Ang laki-laki nga ng bahay wala naman silang makina pang-damo? tanga tanga ba sila?" Irita kong sigaw sa gitna bakuran. 

Nakakainis na ha, ang sakit na ng balakang ko! 

"Ay ate may lawn mower po kami hindi kami nagdadamo gamit ang kamay namin." 

Napalingon ako sa matandang lalaki na nangngamot ng ulo habang nakatingin sa akin.

Nakanampucha! 

Na-scam ako ah! 


Hindi ko na inalala ang hulas kong mukha at ang amoy ko na parang isang linggo na ako hindi naligo at umuusok ang ilong na pinuntahan ko si Dream sa malamig at kumportable niyang opisina. Lord, bigyan niyo pa po ako ng pasensya! Baka madagdagan pa ang kaso na isampa sa akin ng mga Cordova.

Attempted murder.  


Wala akong pasintabi at pabagsak kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Dream na hindi man lang nagulat at umangat ang tingin sa maingay kong pag-pasok pero alam ko na alam niyang pumasok ako. 

Lalong naningkit ang tingin ko sa kaniya at sinugod siya. 

"Hoy! Scammer ka ah, bakit mo ako pinagdamo sa labas eh meron naman pala kayong lawn chuchu?! Papatayin mo ba ako?!" Hinihingal pa ako habang sinisigawan siya. Pero ang loko, tamad lang ako tinignan at kumunot ang noo. 

"You stink." Lait niya sa akin. 

Nakagat ko na madiin ang ilalim ng labi ko at pilit kinalman ang sarili ko. 

"at ikaw ang baho ng ugali mo! Kasalanan mo 'to kung bakit ako mabaho!" feeling ko pulang pula na ang mukha ko sa galit kung pwede lang sumabog ay kanina pa ako sumabog sa galit. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon