Ellora
"Ate, nasaan sila mama at papa?"
Pinigilan ko bumagsak ang luha ko habang nakayakap sa binti ko ang bunso ko kapatid, tumingin ako sa panganay ko'ng kuya, walang buhay ang mga mata niya halos hindi ko na siya makilala. Ang dati namin pamilya na puno ng saya ay nawala na lang bigla.
"N-Nagbakasyon lang sila sa malayo, Japoy." umiwas ako ng tingin dahil kung hindi ko ginawa iyon ay patuloy na babagsak ang luha ko.
Kahit nasa malayo ako ay kitang kita ko sa reaksyon ni kuya ang naging resulta ng imbestigasyon na matagal na namin hinihintay. Walang bangkay na makita, wala kami mapag-luksaan na kahit ano, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil doon dahil para sa akin kung walang katawan ay may posibilidad na buhay pa sila mama. May pag-asa pa, babalik pa sila.
Ilang buwan ko pinanghawakan ang pag-asa na iyon, na baka isang araw bigla na lang papasok silang dalawa sa bahay, babalik na kami sa normal pero habang tumatagal unti unting nawawala ang pag-asa na pinaghahawakan ko.
"Drop out? Sayang naman Ellora, ilang buwan na lang matatapos ka na sa second year highschool."
"Kailangan ko po mag-trabaho." tipid ko sagot sa principal namin.
Last day ko na sa school, wala na kami pera pambaon sa school. Si kuya Jepoy ay tumigil na din sa kolehiyo mas pinili niya maging tambasy at nalulong sa bisyo. Habang ako ay pinagsasabay ko ang trabaho at ang pag-aaral pero nakikita ko kung paano ako bumabagsak sa school, halos hindi na ako makasunod sa mga lesson dahil mas inu-una ko ang pag-tatrabaho.
Binenta ko 'yung uniporme ko sa school pati ang mga gamit ko sa pag-aaral para kahit papaano ay magka-pera kami, hindi ko naman kakailanganin na iyon dahil sa estado ng buhay namin ay sigurado ako hindi na ako makakapag-aral, hindi ko na matutupad ang gusto nila mama na makapag-tapos ako.
"Japoy! Gising na baka ma-late ka sa school!"
Lahat ng pera na kinikita ko ay ginagastos ko para sa pagkain namin araw araw at sa pag-aaral ni Japoy, Kay Japoy ko ibubuhos lahat ng lakas at pagod ko, hindi ko hahayaan na mabulok siya dito sa skwater namin na buhay. Sa amin tatlo ay si Japoy ang pinakamatalino, kahit sa murang edad na pinag-daanan namin ay hindi siya nag-bago nag-focus siya sa pag-aaral at tinutulungan niya ako dito sa bahay, hindi katulad ni kuya Jepoy na naging pabigat na sa amin pero kahit na ganoon ay hindi ko siya mapabayaan.
Kaming tatlo na lang, hindi ko na yata kakayanin kung mabawasan pa ang pamilya ko.
"Ate, paglaki ko kapag nakapagtapos ako sa pag-aaral at may trabaho na ako maayos, ikaw naman ang aalagaan ko!" promise sa akin ng bunso ko kapatid.
"Ha? Bakit ako? Dapat mag-ipon ka para sa sarili mo."
"Hindi ate, aalagaan kita hanggang sa tumanda ka, kahit nga 'wag ka na mag-asawa ako bahala sayo. Bibili kita ng gusto mo, ibibigay ko mga luho mo at hindi ka na mapapagod! Hindi mo na kailangan mag-snatch para lang may ma-kain tayo."
SI Japoy ang natitirang liwanag sa madilim ko mundo, at gagawin ko ang lahat para sa kaniya.
Nakatulala ako sa screen ng cellphone ko. Hanggang unti unti itong lumabo at sunod sunod na pumatak ang luha na hindi ko kaya pigilan.
Japoy: Ate gagraduate na ako! Valedictorian!
Niyakap ko ang cellphone ko at patuloy na umiyak hindi dahil malungkot ako, dahil sobrang saya ng puso ko. Kahit naman pala hindi ako naging mabuting tao, kahit naging kriminal ako lahat ng paghihirap ko agad napawi dahil lamang sa isang text.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.