Ellora
Hindi ko alam kung paano ko natapos 'yung buong shift ko. Mabuti na lang na kahit wala ako sa tamang pag-iisip ay natapos ko ang trabaho ko nang hindi nagkakamali, siguro dahil din tinutulungan ako ni Owen, halos kasi siya yung nasa counter mas pinili ko kasi mag-restock at maglinis ng maglinis.
Mas gusto ko gumagalaw ang katawan ko kesa naman nakatayo lang para hindi ako makpag-isip. Pumunta ako sa back room at agad ko nilapitan 'yung mga box na hindi pa naayos nila Owen, sakto kasi at may delivery at kailangan ilagay sa bodega ang mga iyon.
Kailangan ko ma-pagod.
Kahit mabigat ay binuhat ko ang mga 'yun ni hindi ko pinansin ang mga gas gas ko sa kamay at kahit masakit ang braso ko ay hindi ako tumigil buhatin lahat ng box. Kahit tagaktak na ang pawis ko ay hindi ako tumigil.
Hindi pa sapat 'yung nararamdaman mo, gusto ko mapagod 'yung tipong hindi na kakayanin ng katawan ko. Sisiw lang sa akin ang ganitong pagod, dapat nga hindi ko 'to nararamdaman. Dati kaya ko tiisin ang gutom ko, kaya ko ikutin ang buong plaza at tumakbo sa mga pulis kahit walang laman ang tyan.
Kailan pa ako naging mahina? Masyado ako naging kumportable sa buhay ko.
Sa tipong kahit maliit na sugat ay agad ko nararamdaman ang hapdi 'nun. Tinitigan ko ang palad ko na may hiwa dahil sa box na nabitawan ko.
"Ang sakit," sabi ko habang nakatingin sa kamay ko na dumudugo.
"Tapos ka na ba pagurin ang sarili mo?" napatingin ako sa pinto at nakita ko si Owen na nakasanadal sa may hamba ng pintuan mukhang kanina pa siya nandito.
Hindi ako sumagot at pinanood siya maglakad palapit sa akin. Tinignan niya 'yung back room na malinis na malinis, wala na 'yung mga box pagkatapos nun ay tinignan niya ang kamay ko na may sugat.
"Hindi naman masakit." sabi ko na lang sa kaniya.
Bumuntong hininga siya at may inabot na band aid sa akin. "Tapos na ang shift mo pwede ka na umuwi." seryoso niyang sabi.
Tumingin ako sa relo ko. Mag aalas-diyes pa lang ng gabi.
"Ha? Hindi okay lang ako, tatapusin ko 'to." aalis sana ako pero pinigilan ako kaagad ni Owen.
"Umuwi ka na," seryoso niyang sabi.
Tumingin ako sa mga mata niya. Ito yun, ang mga matang iyon na hindi ko mabasa at hindi ko mapagkatiwalaan.
"Babayaran ko ang buong shift mo dahil nilinis mo 'to back room kaya wag ka mag-alala." dugtong niya.
Tahimik na tumango lang ako at pumunta sa banyo para linisin ang sugat ko. Tinitigan ko ang salamin at nakita ko agad na hindi ako okay. Simula nang nakausap ko 'yung apo ni lola nena hindi na ako naging okay.
Ang daming tumatakbo sa isip ko, unang una doon ay si kuya Jepoy hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ng chismosa na yun, pero kailangan ko na mahanap si kuya Jepoy. Hinilot ko ang ulo ko. Hindi ako naniniwala na magagawa iyon ni kuya.
Oo lasinggero siya at batugan pero never ko siya nakita na nag-dodroga madami siyang bisyo pero hindi niya iyun sinubukan. Anong nangyari? Bakit siya pumasok sa ganoon gulo? Nanginig ang kamay ko, kung sana bumalik ako kaagad, kung sana hindi ako naging maka-sarili at hindi ako nanatili kela Dream eh di sana napigilan ko pa si kuya Jepoy.
Paano kung hindi ako nakabalik agad? Baka si Japoy pa ang mapahamak. Bakit ko ba sila iniwan? Bakit ba ang selfish ko? Wala akong kwentang kapatid.
Kasalanan ko 'to.
"Wala kang sundo?" nilingon ko si Owen, nakasunod lang siya sa akin palabas sa store.
"Wala." hindi ko na iistorbohin si Dream alam ko tulog siya ngayon oras.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.