Ellora
"Naiintindihan niyo ba ako ha?" naka-pameywang ako habang tinitignan isa isa ang mga alipores ni Dream.
Nakatayo sila sa harapan ko at halatang hindi masaya sa pang-yayari. Umagang umaga ang na-sstress ako sa mga ito. Daig pa nila ako na kapatid ng ga-graduate. Alam ko naman na kakaiba silang tao pero hindi ko naman inakala na sobrang weird nila.
"Why?! We just want to look presentable in front of your brother!" daing ni Alexa na ngayon ay mahabang mahaba ang nguso.
"Eh bakit ka mag-susuot ng gown sa graduation?!"
"It's not a gown! It's very long dress!" depensa niya.
Ang usapan namin ay aalis kami saktong ala-una dahil medyo malayo ang lugar namin dito, idagdag mo pa na traffic kaya mas maganda kung maaga kami pero dahil sa mga ito ay hanggang ngayon ay hindi kami maka-alis.
Akala ko si Alexa at Lucio lang ang po-problemahin ko sa pagiging OA pero hindi ko alam kung anong na-kain ng mga 'to na nagpapa-bonggahan sila ng outfit. Unang dumating si Alexa na may suot na napaka-habang dress para siyang abay sa kasal at syempre dahil kambal sila ni Lucio hindi nag-patalo ang hayup at nag-tuxedo pa talaga. Mukha silang sponsor sa kasal.
"Okay lang ba na casual lang suot namin Ellora? Baka isipin ng kapatid mo hindi namin pinaghandaan ang graduation niya." singit ni Felix habang nakanguso din katulad ni Alexa.
Lahat kasi sila ay naka-tuxedo well except kay Celestine na naka-simpleng dress lang for the first time ay hindi ako na-inis sa kaniya at mukhang siya lang ang matinong tao ngayon, kahit si Craige ay nakipag-sabayan sa kaibigan.
"Baka mapag-kamalan pa kayo na may-ari ng school kung hinayaan ko kayo na ganoon ang suot niyo." naiilang kong sabi.
Nakaka-intimidate na nga ang mga aura nila, kahit ano naman suotin nila ay agaw pansin silang lahat lalo na sa mga kutis at tindig nilang lahat. Kahit yata pag-suotin ko sila ng dyaryo ay nag-susumigaw pa rin ang aura nila.
"But--" tinaas ko ang kamay ko para patahimikin sila dahil mukhang hindi sila masaya sa suot nila.
"Sinasapawan niyo ba ako ha?" at sinamaan ko sila ng tingin.
Naka-suot lang din ako ng simpleng white dress na bigay ni Dream kahapon, nagulat ako dahil bago ako matulog ay may inabot na siyang damit sa akin. Balak ko pa naman sana ay mag-suot lang ng t-shirt at pantalon, kasi sigurado ako 'yung ibang mga dadalo doon ay baka naka-jersey lang.
Napatingin ako sa relo ko at lumingon kay Dream, pinigilan ko ang sarili ko na mag-laway sa itsura niya ang gwapo niyaa. Naka-suot siya ng siya ng puting t-shirt na may nakapatong na itim na polo at itim na slacks pero nag-susumigaw ang ka-gwapuhan niya. Mas casual 'to sa mga sinusuot niya dito sa mansyon araw araw.
Ako ang namili ng suot niya dahil kung makikipag-sabayan 'to sa mga alipores niya ay baka mapagkamalan siyang presidente ng Pilipinas, ganoon ka-lakas ang aura niya.
"What?" tanong niya sa akin dahil napatagal ang titig ko sa kaniya.
"Pwede na ba tayo umalis?" ma-lalate talaga kami kapag hindi pa kami umalis ngayon.
"How about the gift---" sabay turo niya sa malalaking box na nasa gilid.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Iiwan natin 'yan." madiin ko sabi.
"But--"
"Iiwan.natin.yan." mas madiin ko sabi at inirapan siya.
Wala siyang nagawa kaya tumango na lang siya. Tama 'yan Dream, sumunod ka na lang para wala ng away. Nauna na ako maglakad sa kanila at agad naman na sumunod sa akin si Dream, paglabas ko ng mansyon ay bumungad sa akin at walong nakahilerang magagarang kotse.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomansaMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.