Chapter 3

29 0 0
                                    


Chapter 3

Ellora

"Pakawalan niyo ko ditto! Anong gagawin niyo sa akin?! Totorturin?! Papahirapan!? Papatayin!? Tandaan niyo 'to! Kapag ako namatay, papatayin ko din kayo!"

Wala akong pakealam kung walang sense ang mga lumalabas sa bibig ko. Sino bang kakalma kung nakagapos ako sa bakal na upuan!? Potek ang lamig ng puwet ko dahil sa upuan na 'to. Naka-aircon pa kami!

"She's funny." Komento ng isang magandang babae na nakangiti habang nakatitig sa akin.

Ha! Natutuwa siya habang nakikita akong nahihirapan?! Mga mayayaman talaga, ang dami ngang pera wala naman pambili ng magandang asal!

"Paano mo kami papatayin kung patay ka na?" Parang tangang tanong sa akin ng isang lalaki. Hindi ko alam kung special child siya o tanga dahil sa itsura niya.

Pogi siya pero mukha siyang tanga, mukha pa siyang bata dahil baby face siya, inosenteng inosente pa itsura niya.

"Mumultuhin ko kayo!" Parang tanga din na sagot ko sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya at eksaheradong napatakip sa bibig at mukhang iiyak na at kumapit sa lalaking nasa tabi niya.

"S-sabi mo hindi totoong may multo! Waaaaaah!" Bored na bumuntong hininga ang lalaki bago pinakalma ang kaibigan niya na umiiyak.

"Young miss, pwede pakibawiin ang sinabi mo? Hindi naman totoo ang multo," Pokerface niyang sabi sa akin.

Hindi ako kaagad naka-react sa sinabi niya dahil sa pangyayaring pinanood ko. Totoo ba ang mga 'to? Bakit parang ang weird nila?

Pagkatapos akong bitbitin ng dalawang alipores ni Dream ay nakita ko na lang ang sarili ko ditto sa may basement ng mansion nila. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang kwartong ito pero sure ako na walang makakarinig kahit sumigaw ako ng sumigaw ditto at mas lalo akong sigurado na kapag pinatay nila ako ay walang makakakita ng katawan ko.

Mukha din hindi ko matatanggal ang pagkakatali sa akin, sobra naman kasing higpit ang ginawa sa akin, parang naman makakatakas pa ako ditto. Dalawang lalaki lang na alipores ni Dream ang nagbabantay sa akin. Bigla bigla na lang kasi nawala si Dream at hindi na nagpakita.

Baka naghahanap nan g mga gamit para pahirapan ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob. Parang ako nasa isang malaking kahon. Walang kahit na ano makikita ditto sa loob kung 'di upuan kung saan ako nakatali, at isang ilaw na nakasabi sa gitna ng kwarto. Ganitong ganito napapanood ko sa Probinsyano kapag may papatayin na sila. Wala din kahit anong bintana pero malamig ditto dahil may aircon yata.

"You can't escape here, no matter how hard you try." Sabin g seryosong lalaking nagbabantay sa akin.

"K." Tangi kong sagot.

Tangina, hindi ko kayang sabayan pang-iingles niya. Bakit ba apura English nila eh nasa Pilipinas naman kami?

"Alis na tayo ditto, Craige baka may mumu." Biglang sabi 'nung lalaking isip bata. Napa-iling nalang siya at hindi na nagsalita.

Trenta minutos na yata kaming nagtitigan tatlong ditto. Pwera na lang doon sa isip bata na kanina pa kwento ng kwento doon sa seryosong lalaki, kahit hindi siya sinasagot tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita at tango lang namna ng tango 'yung seryosong lalaki.

Parang sila mag-ama.

Gwapo n asana 'yung isa kaya lang isip bata, tapos ito naman isa gwapo na kaya lang mukhang masyadong seryoso sa buhay. Kulang na lang humawak siya ng libro at mukha na siyang teacher.

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon