Chapter 16

12 0 0
                                    


Ellora

Hindi na ako nagulat 'nang makita ko sa labas ng kwarto ko si Dream, katatapos ko lang gumayak. Kung dati ay pinupuntahan ko siya sa opisina niya, ngayon naman ay lagi nuya akaong sinusundo sa kwarto ko, kahit saan ako pujpunta ay nakabuntot siya, iba na ngayon hindi na ako ang bumubuntot sa kaniya. 

"Good morning, let's eat?" 

Tumango na lang ako, saktong alas-nuwebe ay sabay kami nag-aalmusal, araw araw 'yun hindi siya pumapalya. Paraang nga nasanay na din tyan ko kasi saton alas-nuwebe ay gutom na ako. 

"How's your sleep?" 

Napansin ko din na pagbabago sa kaniya ay dumaldal siya. Kung dati ay hindi siya magsasalita kung hindi ko siya kakausapin, ngayon naman apura daldal niya. 

"Okay lang, ganoon pa rin." sagot ko. 

"That's good. I told you warm milk can help you sleep." proud niyang sabi. Gabi gabi kasi niya ako tinitimplahan ng gatas, sa una ayaw ko pa kasi hindi naman ako mahilig sa gatas pero ngayon nasanay na din, dahil sa kaniya. 

 "Wow, proud na proud ka ah." pang-aasar ko sa kaniya pero imbis na maasar ay mukhang natuwa pa siya. 

"Of course." 

Pagkadating namin sa dining ay nandoon na silang lahat, kumpleto na naman ang alipores ni Dream at syempre hindi na nila kami hinintay mga may pagkain sa sila sa kaniya kaniyang plato. 

"Kain na tayo!" Aya sa amin ni Lucio habang puno ng pagkain angb bibig. 

"Wow, salamat at hinintay niyo kami." Sarcastic kong sagot kay Lucio, inirapan ko siya habang ngumiti lang siya ng matamis sa akin. 

Katabi ko si ALexa na isang piraso lang ng tinapay ang nasa plato at busy na naman sa cellphone, ka-text na naman niyan mga jowa niya. 

"Hoy Alexa, bawal mag-cellphone sa harap ng pagkain!" Saway ni Eros sa kaniya, hindi man lang siya tinignan o pinansin ni Alexa tuloy tuloy lang siya sa pagtitipa. 

"Alexa, isa na nga lang 'yang kinakain mo hindi mo pa pinapansin," si Felix naman ngayon pero wala pa rin, hindi pa rin inaalis ni Alexa ang tingin sa phone niya. 

"Let her, ganyan talaga 'yan." sabi ni Lucio sa kanila na patuloy lang kumain. 

Halata naman na sanay na si Lucio sa kapatid, saka ganyan naman talaga si ALexa, kakambal yata niya 'yung phone niya at lagi nyang gamit at hindi mahiwalay sa sarili. Hindi ko na sila pinansin at sasandok na sana ako ng pagkain 'nang makita ko na ang plato sa harapan ko ay may pagkain ng laman. 

May kanin, hotdog, itlog saka cornbeef sa plato ko may prutas pa nga sa platito at may gatas na na sa  baso ko. Tinignan ko si Dream na tinaasan lang ako ng kilay habang humihigop ng kape. 

"Eat." 

Hindi na ako nagsalita at nagsimula na ako kumain habang busy panoorin ang mga alipores ni Dream, kapag talaga sila ang kasabay namin laging magulo sa kainan. Nag-aagawan ng pagkain sila Eros at Felix, si Lucio naman parang mas mauuna pa ako matapos kumain kasi kanina pa sandok ng sandok ng pagkain, buti hindi 'to tumataba. Si Craige, Caden at Dream lang yata ang matino sa grupo nila. 

SI Celestine naman lagi may topak, lagi namin siya kasama pero tahimik lang siya, minsan nahuhuli ko siya nakatingin sa akin tapos iirapan ako, eh di syempre inirapan ko din siya, hindi naman ako magpapatalo. 

"Maria, eat." 

"Kumain ka din kaya, magkakape ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos ay sumubo ako ng kanin. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon