Chapter 4

25 1 0
                                    


ELLORA

"This salmon was pan-seared in butter, olive oil with herbs. Try it and you will taste all the herbs and seasonings that I added there and the mashed potato compliments the sal--" 

"In short, pritong isda saka dinurog na patatas?" Pag-putol ko sa mahabang lintanya ni Eros.

Kanina pa ako naglalaway at kumukulo ang tiyan ko sa gutom pero mukhang wala pa siyang balak pakainin ako dahil sa pag-eexplain niya sa pagkain sa harapan ko. Wala akong pake kung anong klaseng isda iyon ang mahalaga mabubusog ako Tuyo nga lang solve na ako ito pa kayang orange na isda na 'to? 

"Ungrateful." Inis niyang sabi bago ibagsak pabalibag ang puting plato sa harapan ko. 

Hindi na ako nag-dalawang isip at kumain na ako. Ito lang maganda sa pagiging preso ni Dream, laging masarap ang pagkain at sosyal pa, hindi ko lang ma-appreciate kasi nga galit pa ako sa kanila. 

"Bibigyan sana kita ng wine pero nagbago isip ko, baka mas gusto mo Red horse." dagdag pa ni Eros na nakabusangot at ininom ang wine na para sa akin. 

Nagkibit balikat ako. "Tubig nalang, pre." sagot ko habang puno pa ng pagkain ang bibig. 

"Tss." 

Dalawang araw na ako dito sa basement ni Dream, dalawang araw na din akong walang ligo. Noong una akala ko ay papabayaan na lang nila ako dito na magutom at mauhaw para magsalita ako pero hindi. Apat na araw ang kain ko dito almusal, tanghalian, meryenda, at hapunan minsan kapag nag-sabi ako may pa-midnight snack pa sila. 

Tapos kakaiba pa 'yung mga pagkain nila dito. Ang gagarang klase ng karne ng baboy at beef ngayon naman puro isda ako at gulay. Tataba pa yata ako dito. 

Nagmukhang kwarto pa ;tong basement ko dahil biglang may nag-deliver ng kama at kung ano ano pa. Mas maganda na 'tong kulungan ko kesa sa barong barong namin bahay sa squatter, dpat pala sinama ko si Japoy para kaming dalawa nandito. Ang lambot pa ng kutchon. 

Sa loob ng dalawang araw iba ibang tao ang nagdadala ng pagkain sa akin. Noong unang araw ko dito 'yung makulit at madaldal na si Lucio ang nagbantay sa sakin tapos ngayon naman ito si Eros na food is life pa yata dahil halos lahat ng klaseng pagkain dinadala siya sa akin may explanation pa siya na hindi ko ma-gets. 

Chef ba 'to? 

"Tapos ka na ba?" tanong niya sa akin pagka-ubos ko ng pagkain ko. 

"Oo tol. matsala." sabay dighay ko. 

Haaaay ang sarap talaga. Sayang hindi ako makakapag-take out para sana matikman 'to ni Japoy. 

"The only good thing I can see from you is you know how to appreciate food." bati niya habang binabalik sa tray ang walang laman na plato. 

"Susulitin ko na kesa naman mamatay ako sa gutom. Minsan lang ako makatikim ng ganitong pagkain ah." sagot ko habang umiinom ng tubig. 

Parang ayaw ko na mag-toothbrush para hindi mawala ang lasa ng pagkain sa bibig ko. Kadiri ko naman. 

"WHat? Really? why?" gulat niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay.

Ignorante. 

"Tuyo lang ang kaya ng budget ko." sagot ko. 

Agad naman kumunot noo niya. "What's tuyo?" inosente niyang tanong. 

Napa-iling na lang ako.

"Tuyo, 'yung isdang hindi basa." Pabalang kong sagot. 

"What? is that even possible? Paano matutuyo ang isda?" tanong niya ulit. Gusto kong matawa dahil wala talaga siyang ka-alam alam sa sinasabi ko. 

"Punasan mo para matuyo." seryoso kong sagot. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon