Ellora
Hindi na ako nagulat nang makita ko si Dream na naghahain ng pagkain sa may kusina namin. Hindi ko na din nagawa magtanong kung paano siya nakapasok alam ko na din naman ang sagot doon at kagigising ko lang medyo sabog pa ako at may panis na laway pa ako kaya wala ako sa mood makipag-usap sa kaniya.
Hindi ko siya pinansin sa kusina basta diretso lang ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Pagkatapos ko gawin 'yun ay nagising na ang katawan lupa ko.
"Pengeng kape," sabi ko kay Dream pagka-upo ko sa dining namin.
"No, here's your warm milk."
Nakasimangot na tinanggap ko 'yun. Mamaya na lang siguro ako mag-kakape.
"How's your sleep?" tanong niya at umupo na siya sa may harap ko.
"Ayos naman." akala ko nga ma mamahay pa ako pero buti na lang at hindi. Ang sarap nga ng tulog ko kagabi e. "Wala ka ba work ngayon?" tanong ko sa kaniya kasi ang aga niyang nandito.
"I have, pumunta lang talaga ako dito para sabay tayo mag-breakfast." sabagay kagabi din iyon ang sabi niya.
"Ah okay." tipid ko sabi at pinagpatuloy ang pag-inom ng gatas.
Tinignan ko siya at naka-suit na siya na pang-trabaho. Saan kaya siya mag-wowork? Sa mansyon niya o sa company niya na? Kasi alam ko kaya sa bahay siya nag-tatrabaho noong mga nakaraang buwan ay dahil sa akin, ayaw niya ako iwan sa mansyon mag-isa.
"Any plans for today?" nilipat ko ang tingin ko sa mukha niya.
"Wala naman yata." hindi ko sigurado na sagot.
Sa totoo lang gusto ko lang bumili ng shampoo pero hindi naman ako aabutin ng isang buong araw para doon. BAka maglilinis ako ng konti at maghahanap ng trabaho. Hindi ko nga alam kung babanggitin ko pa kay Dream na may balak ako maghanap ng trabaho o hindi na.
"Tell me now para ma-cancel ko na ang trabaho ko at masamahan kita." demanding niyang sabi.
"Huh? Bakit naman? Huwag na oy mag-trabaho ka." pigil ko sa kaniya.
Alam ko naman na madami siyang trabaho na maiiwan kung ipagpapaliban niya iyon at saka wala naman talaga ako balak umalis ngayon araw, pinag-iisipan ko pa lang naman.
"In case you changed your mind, text me." tumango ako sa kaniya.
Binigyan niya na kasi ako ng cellphone at ganoon din si Japoy, isa na naman panibagong utang 'to. Hindi ko naman kasi pwede tanggihan dahil kailangan ko din 'nun, gusto ko na nga sabihin huwag na dahil nga may phone talaga ako iyon ninakaw ko pero ayoko naman malaman niya na nakaw 'yung phone na ginagamit ko.
"Okay." sagot ko na lang sa kaniya.
Napalingon ako 'nang narinig ko na lumabas na si Japoy sa kwarto niya agad na kumunot ang noo ko 'nang makita ko siya na nakagayak.
"Saan punta mo Japoy?" tanong ko agad sa kaniya 'nang lumapit siya sa amin.
"Sa school." sagot niya sa akin at bumaling kay Dream. "Hello po sir Dream."
"Good morning Japoy, have a seat. Sabay sabay na tayo kumain." aya ni Dream sa kaniya.
Napatingin si Japoy sa mga pagkain sa lamesa at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kumain na tayo. Hindi mo naman sinabi na pupunta ka school sana gumayak na din ako kanina."
"Hindi mo na ako kailangan samahan ate, si kuya Craige ang tutulong sa akin." sagot niya sa akin habang sumasandok ng pagkain.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.