Ellora
"Kuya? Nasaan ka? Kung nasa bahay ka, umalis ka na ngayon din kumuha ka din ng mga ilan damit mo at sa apartment ka na muna tumira....Wag ka na magtanong basta umalis ka na diyan at hihintayin kita! Ngayon na!"
Hinawakan ko ang kamay ko para mapigilan ang panginginig 'non. Wala na si Carding, pagkatapos niya ako takutin ay umalis na siya pero alam ko na hindi pa siya doon natatapos. Ang unang pumasok sa isip ko ay si kuya Jepoy. Hindi siya ligtas sa lugar namin ngayon kaya kailangan ko siya ilayo doon.
Nang medyo kumalma na ako ay naisipan ko na pumasok ulit sa store, muntik pa ako mapa-talon sa gulat 'nang makita ko si Owen na nakasandal sa pader malapit sa pintuan. Kinabahan ako kaagad, nakita ba niya si Carding? Narinig ba niya ang usapan namin?
Sa dinami daming pwede makarinig ng usapan namin bakit siya pa?
"Uuwi na ako." Paalam ko sa kaniya.
Kung may narinig man siya o wala, hindi ko na iyon iisipin. Wala akong oras na isipin si Owen ang mahalaga ay ma-protektahan ko sila Kuya. Nagmamadali ako umuwi, alam ko na napapansin ni Dream ang pagiging balisa at tahimik ko pero hindi ko alam kung kaya ko sabihin sa kaniya ang nangyari kanina.
"Hanggang kailan ka magtatago sa likod ng Cordova?"
Kapag naalala ko ang sinabi ni Carding ay nasasaktan ako, kasi alam ko na totoo iyon. Sigurado ako sa oras na malaman ni Dream sa nangyayari ay gagawin niya ang lahat para ma-protektahan ako, at baka kung siya pa ang humarap kela Carding. Sabihin na natin na makapangyarihan nga ang Cordova pero kasama sa sindikato si Carding, iba ang takbo ng utak niya at masasama silang tao.
Hindi katulad ni Dream na isang ma-prinsipyong tao at lagi siyang tumatayo para sa kabutihan, ayoko na mabali iyon dahil lang sa akin.
Hindi ako dumiretso sa kwarto, ni hindi man ako nag-abala magpalit ng damit, hinihintay ko makarating dito si kuya. Hindi siguro ako mapapalagay nang hindi ko siya nakikita ngayong gabi.
"What's wrong, Maria?"
Hindi ko nilingon si Dream, natatakot ako na baka gamitin ko lang siya ulit.
"Ma-una ka na sa kwarto, hinhintay ko si kuya Jepoy. Dito muna daw siya tutuloy." sagot ko sa kaniya na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
"Maria." tawag niya ulit sa akin. Hindi ko siya pinansin at nilingon. "Maria!" this time sumigaw na siya.
Kinuyom ko ang palad ko, ayoko siyang magalit sa akin pero kasi hindi ko siya kailangan ngayon.
"Dream, hihintayin ko nga si kuya. Kung gusto mo ng matulog ma-una ka na sa kwarto."
Nakatitig lang ako sa cellphone ko, hinihintay na mag-text si kuya Jepoy. Nasaan na ba siya? Baka..baka nakita na siya ni Carding baka kung ano na nangyari sa kaniya. Bumuntong hininga ako nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko. Mabuti na lang at iniwan ako ni Dream.
Isang oras ang lumipas bago makadating dito si kuya Jepoy. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya pagkabukas ko ng pintuan. Okay, walang nangyari sa kaniya. He's safe, he's safe here.
Kinuha ko ang bag na dala niya at sabay kami naglakad papasok sa apartment. Tahimik lang kami dahil takot ako na magising si Dream at si Japoy.
"Ellora, ano ba nangyayari?" tanong niya sa akin habang naka-kunot ang noo niya. "May trabaho pa ako bukas."
"Huwag ka muna magtrabaho. Ako muna ang susuporta sayo."
"Ha? Teka, bakit?"
"Nagkita na kami ni Carding." diretso kong sabi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.