Chapter 26

14 0 0
                                    

Ellora 

"Pasensya na pero ang hanap namin ay college graduate." sagot sa akin ng pangatlong manager na nakausap ko ngayon araw. 

"Seryoso ka ba? Eh maghuhugas lang ng plato kaialngan college graduate pa?" Ano 'yun mag-eexam ako habang nag-huhugas ng mga pinggan? 

Niloloko ba ako ng mga 'to?! 

"Kailangan po namin may work experience na." sabi ng may-ari sa isa sa mga karinderya na ina-applyan ko. 

"May NBI clearance ka ba?" 

Okay auto pass doon baka bigla ako makulong sa hinihingi nito. 

"Marunong ka bang gumiling?" sabi ng matandang lalaki na mataba habang malagkit ang tingin sa akin. 

Pota, spakol pala 'to! Hayup!

Bakit ang hirap mag-hanap ng matinong tarabaho?! Kaya hindi uma-asenso ang Pilipinas dahil ang hirap maghanap ng trabaho, potek na 'yan! Ininom ko ang gulaman na binili ko sa isang bangketa ], magpapahinga muna ako, init na init na ako sa suot kong long sleeves tapos wala naman pala ako trabaho makukuha. 

MAghuhugas lang ng plato kailangan college graduate, 'yung iba naman kailangan daw may work experience na, tapos ang dami daming requirements na hinihingi eh ang baba naman ng bigay nilang sweldo. Mababaliw na ako. 

Naalala ko tuloy kung bakit ako napunta sa pag-ssnatch, bakit ba nakalimutan ko na sobrang hirap maghanap ng trabaho. Hindi naman ako pwede humingin ng tulong kay Dream, sigurado ako na gagamitin niya ang koneksyon niya para matulungan ako at ayaw ko 'nun. Gusto ko makahanap ng trabaho sa sariling sikap. 

Susubukan ko na lang ulit bukas. 

"Ineng maganda ka naman, bakit hindi mo subukan dito sa bar namin magtrabaho? Malaki ang tip ng mga matatandang customer namin." pinigilan ko ang sarili na sapakin ang manyak na lalaki sa harapan ko. 

Akala ko matinong bar ito, hindi naman pala! Nakalagay kasi sa labas ay hiring sila ng waitress pero iba pala ang i-seserve namin akala ko pagkain, katawan pala. 

"Kung kamukha niyo naman ho 'yung mga customer niyo huwag na po pala. Kadiri." sabay walk out ko sa matanda. 

Ang baho baho na nga ng hinigin nya ang lansa pa ng amoy niya! Kadiri! Bakit ba kasi ako sumunod pa doon eh halata naman wala sa ayos ang trabaho na ibibigay 'nun sa akin. Gusto ko na sumuko, maghapon na ako naghahanap ng trabaho pero wala pa rin ako makita na maayos. 

Pinipigilan nga ako ni Japoy dahil nga malaki naman ang allowance na matatanggap niya pero ayoko na doon ako umasa. Pera niya 'yun hindi naman sa akin 'yun saka hindi din ako sanay na lagi ako nasa bahay lang at walang ginagawa. 

Mag-dadalawang linggo na ako naghahanap ng trabaho pero lahat ng pinag-iwanan ko ng resume e walang tumatawag sa akin. Wala ba silang load o ayaw lang talaga nila ako kunin dahil sa walang kwenta ko'ng resume? 

"What are you up to these days, You are always of of the apartment." tanong sa akin ni Dream habang pinapanood niya ako maghugas ng mga pinag-kainan namin. 

Katatapos lang kasi namin mag-hapunan at dito na naman siya kumain, mabuti nga at hindi siya nag-iinarte sa kahit anong ihain ko sa kaniya, lahat inuubos niya at simot pa nga. Minsan nga gusto ko sabihin sa kaniya na tipidin niya ulam para magtagal ang grocery namin pero nahiya naman ako kaya pinabayaan ko na siya. 

"Naglibot libot lang." ayoko talaga malaman niya na naghahanap ako ng trabaho. 

"Are you behaving yourself?" at pinaningkitan nya ako ng mata. Wala talaga 'to tiwala sa akin. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon