Chapter 34

6 0 0
                                    

Ellora 

"Hmmm?" inaantok na sagot ko sa kung sino 'man ang tumawag sa akin. 

Pagka-almusal kasi namin ni Dream at nagluto lang ako ng tanghalian namin ay natulog na ako ulit sa sofa, tamad na tamad ako ngayong araw dahil day off ko, dapat ay may date kami ni Dream pero hindi natuloy dahil busy siya sa trabaho niya.

"Baby." Nagising ang katawan lupa ko nang marinig ko ang boses ni Dream. 

"Dream? Napatawag ka." sabay hikab ko. 

Tumingin ako sa wall clock mag-lulunch time na pala, medyo napahaba ang tulog ko. Wala naman kasi sa apartment si Japoy at may pasok sa school niya. 

"Are you sleeping?" Tanong niya sa akin. 

Tumayo ako sa sofa at ni-loudspeaker ang phone ko at nag-unat unat. 

"Oo pero okay lang. Bakit ka napatawag?" madalas kasi puro text lang siya lalo na kapag abala siya sa trabaho. 

"I left something in your apartment. Can you deliver it to me, baby?" 

"Oo naman, ano ba 'yun?" payag ko kaagad kahit may pagtataka. Makakalimutin na pala si Dream? Never kasi nangyari ito lalo na kapag tungkol sa work niya sini-sigurado niya na dala niya lahat. 

"In our room," pinigilan ko ang sarili ko na kiligin sa salitang 'our', ano ba 'yan landi ko talaga. "There's a folder on your study table." agad ko naman nakita ang tinutukoy niyang folder.

May nakalagay na report something something sa harap, hindi ko na inintindi o binasa hindi ko naman ma-gegets at baka magalit si Dream. 

"Iyon lang ba? May nakalimutan ka pa bang iba?" tanong ko habang namimili na ng susuotin na damit.

 Pangalawang beses ko pa lang makakapunta doon, hindi gaya ng dati na mukha akong basahan baka mag-suot ako ng dress baka makasalubong ko na naman si tito gusto ko maging presentable.

"Yeah, that's it, baby. Thank you." 

"No probs. Sige na gagayak na ako." paalam ko sa kaniya. Maliligo lang ako saglit. 

"Okay, see you later baby. I love you." malambing niyang sabi mula sa kabilang linya. 

"Love you too." 

Pagkababa ko ng tawag ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay sinout ko ang pinaka-simple na dress na bigay ni Alexa sa akin. Simpleng floral na white dress lang iyon na susuotan ko ng checkered na polo medyo jologs pero hindi ako kumportable kapag walang manggas ang susuotin ko at simpleng puting rubber shoes ang sinuot ko. 

Paalis na sana ako pero naisipan ko na magdala ng ulam para may kainin na lunch si Dream, sakto naman at nakaluto na ako kaya pwede kami magsabay kumain. Pumara ako ng tricycle para sakyan papunta sa trabaho ni Dream. 

Pagdating sa harap ng building ni Dream ay hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ko sa taas ng building nila, pero hindi na ako nahihiya pumasok dahil maayos na ang itsura ko, hindi naman siguro ako patatalsikin eh no. Dumiretso ako sa may front desk, tinuruan kasi ako minsan ni Dream na kung hindi daw niya ako masusundo sa lobby at lumapit ako sa front desk para may maghatid sa akin.

Ngumiti ako sa babae na nandoon, hindi ko muna siya inistorbo kasi may kausap siya sa phone niya. 

"You look familiar." napatingin ako sa babae na nasa tabi ko. 

Tinitigan ko siya at nakaramdam kaagad ako ng panliliit sa aura niya. Nakasuot siya ng isang magara at sigurado ako na mamahalin na dress at may nakapatong na coat sa balikat niya. Inalis niya ang shades na suot niya kaya lalo ko natitigan ang mukha niya. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon