Ellora
Gabi na ng naka-uwi kami. Masyado kasi nag-enjoy si Alexa. Pagkatapos namin kumain sa may restaurant ay akala ko uuwi na kami pero nag-ikot ikot pa kami para maka-pamili pa ng mga damit si Alexa. Nag-rereklamo na nga ang mga lalaki dahil sa haba at layo na ng na lakad namin pero hindi sila pinansin ni Alexa.
Kahit ako 'man nakaramdam ng pagod pero kahit ganon ay nakuha ko pa rin ang pakay ko. Nakapag-snatch ako ng cellphone sa isa sa mga nag-tatrabaho sa mall. Mabuti na lang talaga at lumapit at hindi na humiwalay sa akin si Alexa. Kung si Dream kasi ang nasa tabi ko sigurado ako ay hindi ako makakakuha ng phone mukha pa naman malakas ang panramdam 'nun.
Pagdating namin sa mansion ay nakita ko kaagad si Celestine na nakatayo sa harap ng malaking pintuan sa central wing.
Mukha'ng hindi pa siya tapos makipag-away ah.
"Huwag ka'ng lalabas." Palabas na sana ako pero napigilan kaagad ako ni Dream. O'diba ang sabi ko malakas makiramdam 'yan.
Dahil pagod na ako at wala ako sa mood awayin si Celestine ay sinunod ko na lang si Dream. Nakatingin ako ngayon sa pwesto nila Dream na kasalukuyan kausap si Celestine nagulat pa nga ako 'nang makita ko siya na naka-ngiti.
Hala, nabaliw na si ante mo.
Pagkatapos ng maikli nilang usapan ay tahimik na umalis si Celeste pero nagtama pa ang tingin namin alam kong nakikita niya ako kahit tinted 'yung kotse ni Dream. Pagka-alis ng kotse ni Celestine ay lumapit na sa akin si dream at siya na mismo ang nag-bukas ng pintuan ng kaniyang kotse.
"Out." hindi ko na lang siya pinansin at nag-lakad na papasok sa mansion., pero bago pa ako tuluyan maka-pasok ay tumigil muna ako para harapin sila.
Tumikhim muna ako kaya napatingin silang lahat sa akin. Gusto ko nga umatras dahil medyo na-asiwa ako sa tingin nila. Mahiyain kaya ako ng slight.
"Salamat." Matipid ko'ng sabi sa kanila. Napangiti naman sila isa-isa pwera kay Dream na titig na titig sa akin. Hindi ko kinaya ang tingin nila lalo na 'yung kay Dream kaya mabilis akong tumalikod at patakbo pumasok sa mansion at dumiretso sa aking kwarto.
Imbis na sa kama ay sa banyo ako dumiretso mas safe doon kasi alam ko walang camera. Alam ko naman na speaker lang ang nasa kwaarto ko pero gusto ko pa rin mag-ingat. Mabilis kong binuksan ang touchscreen na cellphone na nakuha ko.
"Ano ba 'yan. May password!" marunong naman ako mag-hack ng cellphone pero kailangan ko ng computer at wala ako ng ganoon. Mas matatagalan pa yata ako dito.
Busy pa ako kalikutin 'yung phone 'nang biglang may kumatok sa labas. Muntik ko pa nga malaglag ang phone. Mabilis ko tinago iyun sa cabinet sa banyo bago mag-madaling pagbuksan ang tao sa labas.
"Bakit-- O boss napadalaw ka?" Naka-puting polo na lang siya. Nakatingin siya sa akin maya maya pa ay bigla siyang may binato na maliit na paper bag sa akin.
"Ano 'to?" Nagtataka kong tanong habang hawak hawak ang paperbag.
"You can use it or throw it, i don't care." Sabay alis sa harapan ko.
Anla ka. Ano daw? Sinarado ko na ang pinto ng kwarto ko habang binubuksan 'yung bigay niya sa akin. Napa-tigil ako 'nang makita ko ponytail ang laman 'nun simple lang siya pero may ribbon na white siyang design. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mahaba na ang buhok ko. Hindi ko napansin nakangiti na pala ako habang nilalagay sa maayos na kahon ang bigay sa akin ni Dream.
Kinabukasan ay maaga ko nagising. Dumaan muna ako sa kusina para pagdala ng almusal si Dream sa opisina niya. Doon kasi siya kumakain tuwing busy siya. Naka-ready naman agad ang breakfast niya, bale ang gagawin ko na lang ay ipagtimpla siya ng kape. Black coffee ang gusto niya walang asukal o creamer, ang tapan nga eh amoy pa lang parang gising na ako magdamag.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.