Ellora"Gusto ko mag-trabaho para maka-uwi ka na sa atin, hindi mo na kailangan umuwi sa amo mo. Bumalik ka na sa bahay ate." pakikiusap sa akin ni Japoy.
Hindi ako naka-sagot sa sinabi ni Japoy, lumingon ako kay Dream na ngayon ay walang kahit anong emosyon sa mukha. Binalik ko ang tingin ko kay Japoy. Bakit hindi ako maka-sagot? Nakikiusap na sa akin si Japoy dapat ay pumayag na ako kaagad.
"Japoy--" Hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil biglang naglakad si Japoy at lumapit kay Dream.
"Hindi ko alam kung ano ang relasyon mo sa ate ko pero alam ko na ikaw ang amo niya at sayo siya ngayon nakatira." seryoso niya sabi kay Dream. Mabilis ko hinawakan si Japoy sa braso para pigilan. Bakit ang tapang niya?!
"Kung magkano po ang nagastos niyo ngayon araw ay pag-iipunan ko at babayaran ko po kapag nagka-trabaho na ako. Hindi ko po tatakasan ang utang ko sa inyo kaya pwede po ba na alisin niyo na sa trabaho si ate ko para maka-uwi na po siya?" puno ng galang na sabi ni Japoy kay Dream.
Kinabahan ako dahil hindi sumagot si Dream pero mas lalo akong kinabahan 'nang ngumisi si Dream. Napahigpit ang pagkaka-kapit ko sa braso ni Dream. Takbo Japoy! Tumakbo ka na kasi baka bigla mag-wala si Dream!
Lumingon ako sa mga alipores ni Dream na kasalukuyan tahimik na pinapanood silang dalawa. Wala 'man lang ba tutulong sa amin?! Ito na ba ang last meal namin?! At least hindi kami gutom kung mamamatay man kami ngayon... pero hindi pa ako ready!
Gumawa ng ingay ang upuan ni Dream at lalo ako nagulat dahil nakatayo na si Dream, tumingala sa kaniya si Japoy at nakikipagmatigasan ng tingin. Jusko po, bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon?! Umangat ang kamay ni Dream. Hinanda ko ang sarili ko at naging alerto para in case na may gawin si Dream handa ako harangan ito para hindi niya masaktan si Japoy.
"You know what, I really like you, kiddo."
Napanganga ako 'nang makita ko na ginugulo ni Dream ang buhok ni Japoy at ngayon ay malaki ang ngiti nakatingin kay Japoy.
Ano'ng nangyari?
"That's good, protect your sister and always put her first, you understand me kiddo?" pagpapatuloy ni Dream. Tinignan ko si Japoy na wala sa sarili an tumango, mukhang naguguluhan din sa pang-yayari.
"Ah opo?" wala sa sarili na sagot ni Japoy.
"But I'm sorry, I'm not gonna let you take her away from me." seryoso sabi ni Dream. "Kung nasaan ako ay dapat ay nandoon din siya." pagpapatuloy ni Dream.
Pigilan mo ang sarili mo Ellora, seryoso sila nag-uusap. huwag mo pairalin ang kaladian mo! pero....pero kasi... Ang sweeet niya!! Lalo tuloy ako nahuhulog sa kaniya!
"P-Pero---"
Pinutol siya agad ni Dream. "Let me tell you this kiddo, Since your sister is too dense to tell you." tinapunan ako ng tingin ni Dream, napakurap ako. Bakit? Ano naman kaya sasabihin nito kay Japoy?!
"I'm not her boss," ha? Hindi ko siya boss?! Tapos kung maka-utos siya sa akin. Wagas?! "I'm her boyfriend."
Nanaig ang katahimikan hanggang....
"Ano?!" ako at si Japoy.
"WHAAAAAAAAT?!" mga alipores ni Dream.
B-b-b-boyfriend?!
Ano?! Teka! Paano nangyari 'yun?! Kelan naging kami?! Nagka-amnesia ba ako?! Nabagok ba ulo ko?! Wala akong matandaan! Sino ako?! Nasaan ako?! Anong oras na?!
Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit kay Dream at inalog alog siya. "K-K-Kailan nangyari 'yon?! Niligawan ba kita?! Wala ako matandaan! Okay ka lang ba?! Sabog ka ba?! Ilan 'to?!" natataranta ko sabi.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.