ELLORADream Angelus Evangelista-Cordova, the eldest and the only son of the succesfull business tycoon Damon Jasper Cordova and the famous event organizer Miracle Dara E. Cordova. At the age of 25, Dream ANgelus took over their biggest company. The Cordova Group of company. He's the most sought young billionaire in this generation.
The Cordova's are known of being filthy ruch and ruthless in business, but it changed when Dream Angelus took over the company.
Sumakit lang ang ulo ko habang binabasa ito sa dyaryo na hawak ko. Ang naintindihan ko lang eh billionaire! Saka 'yung pangalan. Bakit ba kasi english 'to? Wala bang translation 'to? Ang sakit sa ulo ah! Sa mga eskinita na nga lang tinitinda english ba. Nasa Pilipinas tayo, tagalog dapat!
Tinanggal ko ang suot kong sumbrero at kinamot ang ulo bago ibalik iyon kay Carding.
"Wala bang picture?" Tanong ko. Apura english nito wala naman pam-picture.
"Masyadong pribado buhay ng mga Cordova, lalo na 'yung anak na lalaki." Sagot sa akin ni Carding.
"Ang hirap naman 'non. Hindi natin kilala 'yung target?"
"Buong pamilya ang target natin, hindi lang 'yung anak. Kaya pwede na basta mukhang mayamn iyon 'yun." Tumango na lang ako at nagbilang ng pera, medyo marami kita ko ngayon pero alam kong hindi ito tatagal.
"Paano tayo papasok sa mansion nila?" Tanong ni Conchita.
"Hindi ko pa alm, hintayin na lang natin intruction ni boss."
"Kailan ba 'yan? Sakto kailangan ko ng pera para kay Japoy." Naalala ko kasi 'yung sira niyang sapatos, tapos mga pagkain namin. Walang wala na naman kami.
"Sa susunod na linggo. Kaya mag-handa na kayo." Tumango kaming tatlo.
"Paano hatihan? Kailangan ko ng malaking pera." Sumang-ayon naman sila Conchita sa akin.
Halos lahat sa amin ay kailangan ng pera, si Carding kasi dikit ni boss kaya malaki kita niya. Siya lang kasi nakakakilala sa kaniya. Ako hindi ko kilala iyon kahit pangalan. Sindikato kasi sila at malaki, ayokong madamay sa ganoon, kasapi nil kami pero hindi kami parte ng sindikato para ano lang kami, tauhan ni Carding. Si Carding kasi tauhan talaga 'nun.
Mapanganib kapag nadamay ako sa malalaking transaksyon ng sindikato ni boss. Ayos na ako sa pang-ssnatch, madaling takasan, madaling lusutan.
"syempre may porsyento si boss. Pero ang balak ko damihan natin ang nakawin natin para mas malaki makukuha natin." Sabi ni Carding.
"Basta walang masasaktan sa operasyon ah." Paninigurado ko.
Kahit kailan sa mga raket ko hindi ako nagdadala ng armas, kutsilyo man 'yun o baril. Minsan kasi may ganoon si Carding at binibigyan kami pero ayaw kong tanggapin at ganoon din sila Conchita at Asyong. Marunong naman ako makipaglaban, hindi na kailangan ng kahit anong armas. Nakakatakot baka may masaktan at madamay pa, hindi naman kami sanay doon.
'Nang makita kong palubog na ang araw ay nag-ayos na ako. Kailangan ko 'nang umuwi para makapaghanda ng hapunan namin. Sigurado akong wala akong dadatnan na pagkain sa bahay, at lasing si kuya Jepoy.
"Una na ako." Paalam ko sa mga kasamahan. Tumango sila Carding at Asyon habang si Conchita ay niyakap ako.
"Ingat ka, Elloraaa!" Parang batang sabi ni Conchita.
Napailing na lang ako at umalis na. Si Conchita ang pinakamalinis ang kamay sa amin. Hindi pa niya nasubukan mangdukot, puro taga-gawa lang siya ng eksena, isip bata kasi at siya din ang bunso sa amin. 20 palang siya habang ako ay 23 tapos sila Asyong at Carding ay 25 na.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomansaMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.