Ellora
"All we need to do is prove that you are doing drugs. We will conduct drug testing then if the result is negative they can drop the charge because of lack of evidence." Kahit hindi ko masyado maintinidhan ang sinasabi ng abogado ay tango lang ako ng tango sa sinasabi niya.
"Paano naman po 'yung assault?" singit ko sa kanila. Dalawa kasi ang kaso ni kuya Jepoy at hindi ko alam kung saan nanggaling 'yung assault. "Nanlanban ka ba ha?" tanong ko kay kuya.
"Nainis ako e, sinuntok ko yung pulis." kung hindi ako pinigilan ni Japoy aya baka sinabunutan ko na si kuya Jepoy.
Jusko! Mamamatay ako sa kunsumisyon!
"Bakit mo naman sinuntok?!"
"Eh tinulak ka! Ano gusto mo gawin ko? Palakpakan ko?!" gusto ko ma-touch sa dahilan niya pero nakakapang init a rin ng ulo kaya nanahimik na lang ako.
"Mr. Angeles, you still need to stay here for tonight since the offices are already closed--"
"That's not a problem I can send one of my doctors to conduct the drug testing." singit ni Felix sa usapan.
Tumikhim ang abogado. "Okay, well then. Kakausapin ko na ang abogado ng kabilang panig. Excuse me."
Pagkalabas ng abogado ay sumunod si Felix habang may kausap sa cellphone niya. Nanataili ako nakatayo sa harap ni kuya at binibigyan siya ng masamang tingin, kung wala siguro si japoy ay baka nag-away na kaming dalawa.
Okay naman na kami, pero ewan ko ba siguro dahil nga mas sanay kami mag-away ni kuya ay ganito na kami mag-usap pero alam naman namin sa isa't isa na maayos na ang relasyon namin.
"Kumain ka na ba kuya Jepoy? Gusto mo bili kita pagkain?" tanong ni Japoy sa kaniya, tahimik lang ako nakikinig.
"Kumain na ko, nagluto si Ellora kanina." sagot niya.
"Bakit nga pala ate hindi mo ko sinabihan na uuwi ka sa luma natin bahay? Sana pala nasamahan kita." nakangusong sabi ni Japoy sa akin.
"Ha? Ah, kasi biglaan lang." totoo naman, kung hindi ako pina-uwi ng maaga si Owen ay hindi ako uuwi sa amin.
"Kuya, nag-sorry ka na ba sa pagsampal kay ate? Mag-sorry ka na, tignan mo o may sugat siya sa labi." tinaasan ko ng kilay si kuya Jepoy pero umiwas lang siya ng tingin.
Aba't mukhang wala pang balak mag-sorry! Ang lakas kaya ng sampal niya!
"Nasaan ang sorry ko?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
"Bakit mo sa akin hinahanap? Sinampal mo din ako 'di ba?" sabay pakita ng namumula niyang pisngi.
"Hindi pa sapat yan hindi ka nagkasugat e. Ako may sugat."
"Kasalanan ko ba na mahina ka manampal?" pang-aasar niya sa akin.
Pumitik naman ang ugat ko sa ulo. "Ah mahina pala, eh kung tadyakan kita?!"
"Sige nga!"
"Ano ba?! Para naman kayong bata oh!" bago pa kami magkasakitan ay pumagitna na ulit si Japoy na halatang pagod na maging referee sa amin. "Nasa police station tayo, umayos naman kayo oh!" dugtong pa niya.
Nag-belat ako kay kuya at pinakyuhan siya natawa ako dahil wala siya magawa dahil naka-posas siya. Kunin ko kaya yung posas na yun para kapag nabanas ako sa kaniya poposasan ko na lang. Napangisi ako sa maitim kong balak.
"Sino ba 'yang mga kasama mo?"
Sa sobrang abala ko sa pag-aaway kay kuya ay nakalimutan ko na kasama ko pala sila Dream, ay potek galit nga pala ito! Sinilip ko ang mukha ni Dream, kanina pa siya tahimik at walang emosyon ang mukha niya, hindi ko tuloy alam kung galit ba siya sa akin o galit siya kay kuya Jepoy.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.