Ellora
Hindi naging madali itago ang nararamadaman ko para kay Dream, ilang araw ko siya sinubukan layuan pero hindi ko nagawa iyon dahil nga naka-buntot sa akin si Dream. Nakikipag-away pa rin naman ako sa kaniya at matigas pa rin ang ulo ko ang pinagka-iba lang ngayon na mahal ko na siya ay kinikilig ako sa lahat ng ginagawa niya!
Kahit nag-lalakad lang siya palapit sa akin ay kilig na kilig na ako, hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na i-umpog ang sarili ko sa pader nila para lang maitago ang nararamdaman ko. Kapag namatay ako dahil sa brain damage si Dream ang may kasalanan.
Gaya ngayon halos magdugo ang labi ko habang pinapanood si Dream kausapin si Danny ang kanyang assistant. Pinipigilan ko maglaway ako, bakit ang gwapo niya lalo kapag nagagalit siya at kapag nag-tatrabaho siya?! Mabuti na lang at masyado siya abala sa trabaho kaya hindi niya napapansin ang pagpapantasya ko sa kaniya.
Wala sa sarili na pinay-payan ko ang mukha ko 'nang pinapanood ko kung paano buksan ni Dream ang ilang butones niya sa itim na dress shirt na suot niya. Jusko po, maawa ka sa akin Dream, isa lang ako babaeng marupok, natutukso din! Bakit ba ang first love ko mala-adonis pa ang gwapo?! Ang hirap mag-pigil.
Bago pa tuluyan ako sumabog sa harapan ni Dream ay naisipan ko muna na iwan siya, wala din naman ako matutulong doon. Saka lang ako nakahinga ng maluwag 'nang mawala na siya sa paningin ko.
"Oh bakit ka lumabas?" nakasalubong ko sa labas si Lucio, mukhang may pakay kay Dream.
"Ah busy si Dream, kausap si Danny."
"Okay ka lang ba? Namumula ka." mas binilisan ko ang pagpaypay sa sarili ko. Nahalata pa nito isang malandi na 'to. Bukod kay Dream ayoko din malaman ng mga alipores niya ang nararamdaman ko, mahirap na at baka i-buko pa ako ng mga 'to!
"Oo, mainit lang." palusot ko. Aalis na sana ako pero humarang siya sa dinadaanan ko.
"Mainit? Naka-bukas ang aircon sa buong mansyon." nagtataka sabi ni Lucio.
"O tapos? E sa naiinitan ako e." kumunot ang noo niya.
"Bakit?" parang tanga niyang tanong.
"E ikaw bakit ang pakielamero mo?" hindi ko tuloy napigilan na sungitan siya. Hindi pa rin siya umalis sa pagkakaharang sa akin at matiim ako tinitigan.
"Hmm." umatras ako ng konti dahil sa tingin niya. Huwag mo sabihin may nasasagap na siya?! Lakas naman nito!
"A-ano?" kinakabahan ko sabi. Huwag naman po sana si Lucio ang una makaalam, baka mabaliw lang ako lalo o kaya siya ang mapatay ko!
Tumingin siya sa akin tapos ay sa pintuan ng opisina ni Dream, ilang beses niya iyon inulit kaya mas lalo ako kinabahan, hala, alam na niya yata!
"Aha!" bigla niyang sabi, napatalon tuloy ako sa gulat. "I knew it!"
"H-ha?!" kinakabahan ko sabi. Anong alam niya?! Sinubukan ko i-ayos ako mukha ko para wala siya makita na kahit ano doon.
"Nasa loob ang crush mo no!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Potek! Wala na katapusan ko na, nakakahiya! "Si Danny ang crush mo no?!"
Ilalaglag niya ako kay Dream, masasakatan ako, malamaan ni Drea--Ano?!
"D-Danny?"
"Yup! Namumula ka kahit malamig naman dito, galing ka'ng office ni supremo and for the first time nakita kita nag-bblush dahil nasa loob ang crush mo which is si Danny!" proud niyang pagpapaliwanag.
Napanganga ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko, ulo nga pala sa ibaba ang pinapagana nito. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya, hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi ako nabuko o maiinis ako sa katangahan niya.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.