Chapter 23

5 0 0
                                    


Ellora 

"Gising na, gising na! Tanghali na ate!" 

Halos ibaon ko sa ilalim ng unan ang mukha ko para matago ang mukha ko sa ilaw. Ang aga aga pa e! Bakit kailangan ko gumising ng maaga?! At bakit ang ingay ni Japoy? Manok ba siya? 

"Japoy maaga pa! Magpatulog ka!" reklamo ko sa kaniya. 

Halos mahulog ako sa kama 'nang agawin niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko, agad tuloy ako nilamig dahil nakabukas pa ang aircon sa kwarto ko. 

"Nakakahiya ka ate, nakikitira na nga lang tayo dito tanghali ka pa magising." 

Nagsisisi na ako kung bakit sinama ko pa dito si Japoy sa mansyon nila Dream. Sana pala pina-uwi ko na 'to e di sana masarap pa ang tulog ko ngayon! 

"Ikaw lang ang nahihiya, ako hindi!" sabay agaw ko sa kaniya ng kumot. Gusto ko pa matulog, nag-puyat ako kagabi kasi nanoood pa kami ng mga movies ni Dream. 

"Isa! Kapag hindi ka gumising babasain kita ng tubig!" pangungulit pa sa akin ni Japoy. "Kailangan gumalaw ng katawan mo hindi 'yung puro pasarap ka dito. Akala ko ba katulong ka? Bakit daig mo pa ang amo mo?!" 

"Day off ko!" depensa ko sa saarili. 

"Anong day off?! Ano 'yun isang linggo day off mo?!" niyugyog na niya ako kaya wala na ako nagawa tuluyan na ako nagising. 

Ang ganda ng simula ng araw ko, badtrip ako kaagad! 

Padabog akong tumayo at sinamaan ng tingin si Japoy, hindi na ako nagulat sa ayos niya naka-itim na apron siya at may hawak na sandok. Mabuti na lang at hindi niya nagawang ipalo sa akin 'yun. 

"Magmumog ka na at tulungan mo ako magluto ng almusal nila sir Dream." sigaw niya sa akin mula sa labas. 

Hinilamusan ko ang mukha ko at nag-toothbrush na din, nagpalit na din ako ng damit kasi nakapantulog lang ako. Pagkatapos ko gawin lahat ng iyon ay ang kwarto naman namin ni Japoy ang nilinis ko. Kung dati ay isang kama lang dito ngayon ay dalawa na, ang gusto nga ni Dream ay hiwalay kami ng kwarto ni Japoy pero hindi pumayag si Japoy nakakahiya daw kasi. 

Hindi ko kaya na patirahin si Dream sa may bahay namin sa skwater baka ikamatay pa ni Dream doon at ako pa ang masisi napag-kasunduan namin na dito muna kami ni Japoy sa mansyon titira noong una ayaw pa ni Japoy pero dahil mas makulit si Dream at ayaw talaga ako paalisin sa puder niya ay walang nagawa si Japoy kaya eto siya ngayon isang linggo na siya dito sa mansyon. 

Akala ko nga ay mahihirapan si Japoy dito mag-adjust pero nagulat ako dahil halos ka-close na niya lahat ng kasambahay dito sa mansyon, paano ba naman halos gawin ni Japoy lahat ng gawain bahay pati driver ni Dream ay tinutulungan niya. Pwede na siya maging mayordoma dahil siya yata ang pinaka-busy dito sa mansyon. 

Paglabas ko ng kwarto ay narinig ko kaagad ang masayang kwentuhan ng mga kasamabahay ni Dream at ni Japoy. 

"Sigurado ka ba kapatid mo si Ellora? Bakit ang bait mo?" sabi ni ateng number 1 na nagsusungit at hindi ako hinahayaan magluto. 

"Oo nga naman Japoy at saka ang sipag mo!" pang-gagatong naman ni ateng number 2. 

Wow, alam ko naman ayaw nila sa akin pero grabe ang bias nila ah. Chinichismis pa nila ako sa kapatid ko. Imbis na tumuloy sa kusina ay umakyat ako para tawagin si Dream, sigurado ako gising na 'yun isa pa 'yun na early bird. 

Medyo nahihiya pa rin ako sa kaniya dahil hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa relasyon namin pero hindi na din kasi kami naiiwan mag-isa dahil kahit saan kami mapunta ay parang kabute na lumilitaw si Japoy. Aso yata 'yun at ang bilis ng pang-amoy 'nun at agad niya kami nahahanap ni Dream. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon