Ellora
"Hi! Pabili po!"
Hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko sa mga tao sa harapan ko. Maling mali talaga na hinayaan ko sila bisitahin ako dito sa trabaho.
"Woah! Brain freeze!" napatingin ako kela Lucio na kasalukuyan parang bata na amaze na amaze sa may slurpee station namin.
"Tol, tol! Grabe may brain ka pala?!" Felix.
"Mukhang kanin baboy 'to ah. Is this even edible?" panlalait ni Caden sa mga instant food na naka-display.
"This should be illegal." segunda naman ni Eros.
"Children, stop making a scene." mabuti na lang at nandito si Craige para sawayin ang mga kaibigan niya.
Kasi wala ako energy na pansinin sila dahil medyo madami kami customer bukod sa kanilang pito, mabuti na lang at wala dito si Dream sigurado mababaliw ako kapag kumpleto sila dito.
"That color doesn't suit you," lait sa akin ni Celestine at binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti.
Hay nako, last na talaga tp. Susumbong ko sila kay Dream para hindi na ulit makabalik dito.
"Lucio! Lucio! Ang daming condom oh!" halos mamula ang buong pagkatao ko sa sobrang lakas ng boses ni Felix, hindi pa siya tumigil doon at tinaas pa niya ang mga condom at winagayway.
"Wew, wala silang size ko, bro!" mayabang na sabi ni Lucio na halata naman na nagpapa-rinig siya sa mga babae sa loob.
Kung pwede lang na batuhin ko siya ng siopao ay kanina ko pa ginawa.
"Woah, mukhang bigatin ang mga 'yon ah." napatingin ako kay Owen na nasa tabi ko.
Hindi ako nagsalita at tinitigan ang mukha niya, isa isa niyang tinitignan ang pito na kahit magkakahiwalay sila sa store ay para ba'ng alam niya magkakasama ang mga 'yon. Ito na naman, hindi ko alam kung nag-oover think ako o tama ang kutob ko.
Nagtama ang tingin namin ni Owen at nginitian niya ako ng matamis.
"Ako na bahala sa mga 'yon." nakangiti niyang sabi habang nakaturo kela Alexa.
Nagkibit balikat lang ako at nag-focus sa customer sa harapan. Hindi naman ako natatakot na may gagawin siyang masama kela Alexa, ako pa nga ang kinakabahan para sa kay Owen eh. Kung talagang kilala niya ang mga 'yon ay hindi niya ito gagalawin.
"Hi, how was work so far, Ellora?" tanong sa akin ni Craige na nakatambay dito sa counter.
"Okay lang, hindi naman nakaka-pagod." nakangiting sagot ko sa kaniya at pinanood namin ang mga kaibigan niya na ginawang tourist spot ang store dahil nag-pipicture taking pa nga, ito naman si Owen daig pa photographer dahil humihiga pa siya sa lapag para lang makakuha ng tamang anggulo.
Hindi ko alam kung paano sila naging close agad, wala ba sila na-sesense sa kaniya? So ibigsabihin non ako lang talaga ang may problema?
"Mamaya umalis na kayo ah, baka malaman to ni Dream mapapagalitan kayo." or should I say ma-iinggit pa yon dahil hinayaan ko ang mga alipores niya na tumambay dito.
"Don't worry, pinayagan kami ni Supremo. Ilang araw na kasi siya ginu-gulo ng mga 'yan." kwento niya sa akin.
"Ginugulo?"
"Yeah, araw araw yata nila sinusugod si Dream sa opisina niya para lang payagan sila na puntahan ka dito. Pinagdadamot ka masyado ni Supremo." natatawang sabi ni Craige.
Nahiya naman ako kaagad. Si Dream talaga!
"We're happy for the both of you, Ellora." sincere na sabi ni Craige.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.