Ellora
Kasalukuyan ako'ng nakasakay sa mamahalin na kotse ni Dream. Pagkatapos ko mag-bihis ay basta na lang nila ako hinila palabas ng mansion, akala ko nga eh papatayin na nila ako pero may pupuntahan daw kami. Kasama din namin ang mga alagad niya na naka-sunod sa likod namin, dala nila ang kani-kanilang sariling kotse.
Mga nasa limang minuto pa lang kami sa byahe ay parang gusto ko na lang tumalon palabas ng kotse ni Dream, napaka-tahimik naman kasi, kahit radyo ay hindi niya mabuksan. Gusto ko 'man buksan 'yun hindi naman ako marunong baka maka-sira pa ako ulit at idagdag pa niya sa utang ko baka mamatay na ako ay hindi pa rin ako bayad.
Tinignan ko siya ng palihim at ang tahimik niya mag-maneho. Isang kamay lang ang naka-hawak sa manibela habang 'yung isa ay sa may gear humahawak minsan. Mabilis din siya mag-maneho pero hindi ko ramdam ewan ko ba kung dahil 'yun sa kotse niya or magaling lang talaga siya mag-drive.
Infairness ah, ang shala sa loob ng kotse niya, ang bango bango pa tapos malamig pa sa loob, kung pwede lang ay natulog na ako pero syempre wala pa rin ako tiwala sa kasama ko baka 'di na ako magising.
"Saan tayo punta?" hindi na ako nakatiis at nagsalita na ako. Hindi ako sanay sa tahimik.
Akala ko sasagutin niya ako pero wala ni tignan ako hindi niya magawa. Nakakainis ah, hangin ba ako? hangin?
"Hello po? Naririnig mo ba ako?" tawag ko ulit sa kaniya.
"What?"
"Ano'ng what ka diyan. Where dapat kasi saan mo ba ako dadalhin?" O 'diba, akala mo Dream ikaw lang marunong mag-English.
Bumuntong hininga muna siya bago ako sagutin. "Just shut up and wait."
Mas lalo ako na-badtrip sa sagot niya. Bakit ba kasi ako nag-try kausapin 'to eh wala naman 'tong kwenta kausap. ANg yaman yaman nga ang tipid naman sa salita, kuripot nito sa laway ha. Kinamot ko na lang ang ulo ko at nag-focus na lang sa byahe.
Relax ka lang Ellora, 'wag mo siyang hahayaan na tuluyan sirain ang araw mo. Dapat nga maging masaya ako kasi sa wakas, nakalabas din ako sa mansion. Grabe, kahit mag-iisang buwan pa lang ako doon na-miss ko din ang polusyon sa labas ng Manila, 'yung makalat na daan, mga pulubi na kumakatok sa bintana ng mga kotse at lalo na 'yung mga walang t-shirt na tambay.
Sinilip ko naman 'yung mga kotse sa likod namin, naka-sunod pa rin naman sila at na-aabutan pa rin ang pag-mamaneho ni Dream. Maya maya pa ay lumiko kami sa isang pamilyar na malaking building. Madaming naka-pilang kotse sa entrance pero nagulat ako 'nang bigla may mga security guard na humarang sa mga dumadaan na kotse at pina-una kaming lahat.
Namamangha na napatingin ako kay Dream na parang wala lang nangyari. Ang bongga naman dito, VIP sila Dream, iba talaga kapag mayaman. Pati sa parking lot ay mga naka-hiwalay na space para sa kanila. Isang malaking parking space sa harapan mismo ng mall.
Tinignan ko sila isa isa mag-park habang si Dream naman ay narinig ko na inalis na ang seatbelt niya kaya gumaya din ako.
"Let's go." Sabi niya at lumabas ng kotse.
Mabilis ko siyang sinunod. Namamangha pa rin ako sa mga pangyayari kaya wala ako sa trip maging matigas ang ulo. Isa isa na silang lumabas mula sa mga sasakyan nila. Nairapan ko pa nga si Lucio dahil pagkakita niya sa akin ay nag-hairflip pa ang bugok saby kindat sa akin. Lumapit sila agad sa amin ni Dream.
"Welcome to the outside world, Ellora!" Pang-iinis sa akin ni Felix.
"ha ha ha." plastic kong sagot sa kaniya.
"Don't try to escape, remember we can track you." seryosong pag-papaalala sa akin ni Dream.
"Alam ko po." Sabay taas ng ring finger ko sa kaniya. Tumigasd ang ekspresyon niya sa ginawa ko. Akala yata niya nag-pakyu ako sa kaniya, kaya mas lalo ako napangisi.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.