Ellora
Tahimik ako'ng naka-upo sa sofa sa loob ng opisina ni Dream habang pinanonood si Dream na pabalik-balik mag-lakad sa harapan ko. Hindi pa siya nag-sasalita basta niya na lang ako inupo. Tinitigan ko siya kung paano niya madaling na hubad ang kaniyang black coat at ang neck tie na suot niya kanina. Wala na din sa pagkaka-butones ang manggas niya at ang dalawa unang butones ng kaniyang polo.
Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o galit pa rin siya doon sa lalaking manyak. Dumidiretso ako ng upo 'nang tumingin siya ulit sa akin at tipid siyang nginitian. Medyo natakot ako kasi naman parang ang lakas niyang sumuntok baka sa akin pa 'to mag-round two kapag pinainit ko pa lalo ang ulo.
"Are you okay?" Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Sinusukat ko kung maayos na ba ang mood niya para maka-sagot ako ng maayos.
"Hindi," Nakita ko na lang si Dream ay nakaluhod sa harapan ko at nakahawak sa magkabila kong balikat.
"Fuck, what else did he do? Did he hurt you?" Naramdaman ko ang init ng mukha ko dahil sa sobrang lapit niya.
Ano ba 'yan? Bakit mag pag-hawak? Concern ba siya sa akin?
Natulala ako sa kaniya kasi hindi naman ako sanay na ganito siya sa akin, Siguro noong mga nakaraan araw ay mabait siya pero hindi naman ganito ka-bait at hindi ganito ka-close. Napapansin ko din na parang nagtitiwala na siya sa akin kasi naiiwan niya na ako dito. Nakukuha ko na ba ang tiwala niya? Matutuloy ko na ba ang plano ko tumakas?
"Maria! I'm asking you!" Naalis ako pagiging tulala ko sa sigaw ni Dream sa akin. Puno ng pag-aalala ang mukha niya.
"Hindi ako ayos kasi hindi ako naka-ganti sa manyak na 'yun. Ikaw naman kasi inunahan mo pa ako! Dapat bago mo siya pina-alis tinanong mo muna ako kung sasapak ako. Nakakinis ha." sabay irap ko sa kaniya.
Parang may tinik na nabunot sa dibdib niya ng bigla itong umaliwalas ang kaniyang mukha. Akala niya siguro hindi ako okay dahil sa nangyari.
"Saka kahit hindi ka naman dumating ay sigurado ako na bugbog sarado na 'yung manyak na 'yun. Ano'ng akala akala mo sa akin? Magpapa-api? Ha! Hindi ah! Siga kaya ako sa amin kung hindi mo lang alam, ang bumangga sa akin tibag!" Pagtuloy ko'ng pag-mamayabang. Tinaaas ko pa 'yung braso ko at ipinakita ang kunyari kong muscle.
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at sa wakas umupo na din siya. Parang kasi mahihilo na ako sa kanina pa niyang palakad-lakad.
"Why are you even there? I told you to take a day off." Naka-kunot ang noo niyang tanong sa akin.
"Paano ba naman kasi ''yang si Celestine sinundo ako sa kwarto tapos nanakot pa na wala ka naman daw dito kaya ayon inabuso ginawa niya akong personal maid niya." Pag-sagot ko sa kaniya. Napahawak siya sa noo niya na parang lalong sumakit ang ulo niya.
"Why did you follow her? you should've called me. "
"Ay may cellphone po ba ako? Saka wala ako sa mood kanina na patulan si Celestine. Malay ko ba na ganoon pala ang balak niya. Sama ng ugali niya ha." Pag-depensa ko sa akin sarili.
Pinagmasdan niya ako ng maigi at tila tinatantya kung nagsasabi talaga ako ng totoo. Sinimangutan ko siya. Mahirap ba;ng paniwalaan na tinamad ako makipag-away? Aba day off ko nga kasi ibigsabihin day -off din ang pagiging siga ko.
"Okay lang talaga ako pero iharap mo muna sa akin si Celestine at pa-sampal ng dalawang malakas para maka-ganti 'man lang." Nang-gigigil talaga ko kay Celestine hindi ko alam na aabot siya sa ganito.
Inabutan ako ng tubig ni Dream at hindi ako nag-dalawang isip na abutin iyon, Nakaka-uhaw kaya maging highblood at minsan lang maging mabait na ganito si Dream kaya susulitin ko na. Binalot ng katahimikan ang buong opisina si Dream, kumalma na din siya ng konti pero nahuhuli ko pa rin siya na parang chine-check niya ako kung talagang maayos na ako.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.