Ellora
Napahawak ako sa sentido ko at tumingin sa itim sa kisame ng opisina ni Dream. Mukhang naka-move on na si Dream sa pagpapahiurap sa akin physically at ang utak ko naman ang target niya. Kasalukuyan ko kasing tinutulungan si Dream sa kaniyang mga paper works. Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumanib sa lalaking 'to at naisipan niya na makakatulong ako sa kaniya.
"Dream, baka nakakalimutan mo na hindi ako tapos ng highschool. Ang sakit sa ulo nitong mga papel ha!" Hindi ko na napigilan mag-reklamo sa kaniya. Kung pwede ko lang itapon ang mga papel ay kanina ko pa 'yun ginawa.
"I'm just asking you to separates finances report and marketing reports. What are you talking about?" sagot niya sa akin na parang ang OA ko maka-react.
Tama naman siya kasi may mga nakasulat naman na 'Finances' at 'Marketing' sa mga papel, pero kasi kapag paulit-ulit ko na nakikita ang mga salitang iyon ay parang naduduling ako. Marunong naman ako mag-basa pero kaya nga ako tumigil mag-aral para hindi na sumakit ulo ko eh.
"Nakaka-bobo kaya! Wala ka bang ibang tauhan na pwedeng gumawa nito?" Reklamo ko pa ulit.
Bumuntong hininga siya at naglakad na papalapit sa akin. Nasa may Office table siya habang ako ay nakasalampak sa lapag habang nag-hihiwalay ng mga papeles.
"What are you complaining for? You're doing a good job." pinigilan ko ngumiti sa puri niya sa akin habang isa isa chinecheck 'yung mga na-sort ko na.
"Magaling kasi ako saka hindi ba ako pwede mag-reklamo?" At tinaasan ko siya ng kilay.
"Fine, you can take a break." Pagkarining ko 'nun ay basta na lang ako humiga sa sahig pero naramdaman ko ang kamay ni Dream sa ulo ko parang iniwasan niya na mauntog ako sa sahig dahil sa biglaan kong pag-higa.
"Careful." Pag-papaalala niya sa akin.
"Matigas ang ulo ko kaya hindi ako masasaktan ah." at nginisihan ko siya.
Dahan dahan niyang inalis ang kamay niya at pinalitan niya iyon ng unan galing sa sofa niya, pagkatapos ay tumayo siya at bumalik sa table niya. Tinagilid ko ang ulo ko at pinagmasdan siya na seryosong nakatutok sa mga papel na binabasa niya.
Araw araw yata eh ganoon lang ang ginagawa niya. Hindi ba siya napapagod? Nagsasawa? Bihira lang din siya umalis dito sa mansion nila. Sa totoo nga eh ang huling alis niya eh 'yung nag-paalam siya sa akin na pupuntahan niya 'yung nanay niya at simula 'non ay hindi na ulit siya umalis. Araw araw ay lagi na lang siya ang kasama ko.
"What the? Are you dead?" Naalis ang tingin ko kay Dream at sinamaan ng tingin si Lucio.
"Anong dead ka diyan. Dilat na dilat ako oh." sagot ko sa kaniya. Napansin ko na kasama niya sila Craige at Alexa.
Hindi talaga napag-hihiwalay 'tong kambal.
"Why are you on the floor?" nagtatakang tanong ni Alexa.
"Trip ko lang." Tipid kong sagot at nagkibit balikat lang siya bago sila lumapit kay Dream na binaba na ang mga papel na hawak niya.
"What do you need?" tanong niya agad sa kanila.
"I'm just here to report something. Nakasalubong ko lang sa baba ang kambal." Sagot ni Craige sa kaniya at may binigay na panibagong papel. Papel na namaaan.
"We're bored. Sarado pa ang mga bar." Sagot ni Lucio at sumang-ayon naman ang kambal niya.
Naupo silang tatlo sa may sofa. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pinagpag ang damit ko.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.