Chapter 14.5

14 0 0
                                        


Ellora 

Nawalan ako ng gana kumain habang pinapanood ko kung paano mag-usap si ate girl at si Dream, parang hangin ako dito ah, naki-upo pa si ate mong girl sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Dream. 

Tinitigan ko ang kabuoan ni lalo na sa may dibdib niya, lugi ang suso ko sa suso niya ah. Parang kapag bumaha ligtas na siya sa laki ng salbabida niya. Tapos 'yung suot pa niyang damit sobrang hapit kaya hulmang hulma ang katawan niya, malaki na nga ang suso niya malaki pa ang pwet mapapa-sana all ka na lang talaga. 

Kaya naman pala hindi na ako napansin ni Dream, nalunod na yata sa suso nito. 

Hindi ako naniniwala na may perfect sa mundo pero 'nang makilala ko si Dream ay isa na siya sa naging definition ng perfect sa akin pero may isa pa pala na papasa sa salitang 'perfect'. Maganda na nga ang katawan niya maganda pa ang mukha, halatang isa din siya sa mayayaman na kaibigan ni Dream, sa aura pa lang niya at sa galaw niya. 

Hindi naman sa inis ako sa kaniya pero 'yung mukha niya eh papasa na para mag-kontrabida sa teleserye 'yung tipong maiinis ka pero magagandahan ka pa rin. Kapag kaya nakipagsabunutan ako dito mananalo ako? 

"I missed you. I always go to your company but you were never there. Are you busy?" tanong ni Minerva kay Dream. 

"Yeah, I am working from home," simpleng sagot ni Dream at sa unang pagkakataon na nag-usap sila ni Minerva ay tinignan niya ako. 

So, ano gusto mo ipalabas Dream? Ako may kasalanan kung bakit 'di kayo nagkikita ng babae mo? Hindi ko tuloy napigilan na irapan siya kaya kumunot ang noo niya. 

"Minnie, This is Ellora." pagpapakilala sa akin ni Dream sa babae niya. 

Ngayon lang ako tinapunan ng tingin ng babae, napansin ko na nawala ang ngiti niya pero agad din niya iyon binalik pero halatang pilit lang. 

Plastik. 

"Nice to meet you, Ellora. I'm Minerva don't call me Minnie, only Dream can call me that." Sabi niya sa akin. 

Pinigilan ko ang sarili ko na irapan  siya. Sana ate sinabi mo sa may pake. Hindi ko siya sinagot at tumango lang ako, wala ako sa mood makipag-plastikan sayo. Mukhang hindi niya nagustuhan ang hindi ko pagka-usap sa kaniya kaya nawala na ng tuluyan ang ngiti niya.

Bumalik lang ang ngiti niya 'nung napatingin sa kaniya si Dream. Gusto ko ma umalis dito! Nasaan ba sila ALexa? Kung kailan naman na kailangan ko sila. 

"My parents donated 2 million to the charity." Ah, share mo lang? 

"Thank you for your kindness." Patola naman 'tong si Dream. 

"How 'bout you? How much did you donate?" nagulat ako 'nang tanungin niya ako. 

Hindi ako nakapag-salita. Ano isasagot ko sa kaniya? 'nandito lang ako para sa pagkain.' tapos ano may one point siya kay Dream kasi siya nakatulong habang ako nakikain lang? 

"Secret." napansin ko napangiti si Dream sa sinagot ko kaya lalo nagtaka si Minerva. 

"C'mon, share it. It's the first time I saw you. what company are you in?" bakit ba ako kinakausap nito? 

"Secret din." Napatakip si Dream sa bibig niya pra itago ang ngiti niya kaya napangisi ako. 

Tawa ka diyan ha, hindi kaya ng pride ko matalbugan. Tanggap ko na na mas malaki ang suso niya hanggang doon lang ang kaya ko.

Nakita ko na namula ang pisngi niya sa pagkapahiya at kinagat niya ang labi niya na parang pinipigilan niyang sarili na sigawan ako pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy kumain. Bahala siya diyan ma-highblood. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon