ELLORA
Ilang beses akong lumunok ng laway para iwasan na tumulo ang laway ko. Ilang beses ko na din chineck ang panty ko kung naka-kabit pa rin habang titig na titig sa lalaking mala-adonis ang itsura.
Bakit may mga ganitong ka-gwapo sa mundo? Bakit parang siya lang ang anak ng Diyos? Grabe, ang masterpiece mo Lord, Salamat!
"T-totoong tao ba 'yan, Ellora?" utal na tanong sa akin ni Conchita.
"Oo ata? H-Hindi ko na alam, parang na nanaginip ako ng gising. Putanginang itsura 'yan, ang perfect."
"Gago, natural na natural siya! Walang halong kemikal!" namamangha na sabi ni COnchita na kulang na lang ay lumuhod sa harapan ni Dream.
Ilang beses akong kumurap at napalunok habang titig na titig sa lalaking pinapalakpakan ng mga tao. Walang kahit anong emosyon ang mukha nya o hindi ko lang Makita dahil nasisilaw ako sa gara ng damit niyang suot at sa liwanag mula sa mga camera na sunod sunod ang pagkuha ng litrato sa buong pamilya.
Kahit sa malayo ay abot hanggang sa pwesto o halos buong mansion ramdam ang aura ni Dream, sobrang lakas at nakaka-intimidate halatang mula sa magara at marangyang pamilya. Kung paano siya gumalaw at sa pananamit palang ay halatang mayaman.
Tumingin ako sa paligid at lahat ng bisita ay nakangit habang nagbubulungan at bakas sa mukha nila ang pag-hanga sa lalaking nasa harapan. Binalik ko ang tingin sa lalaki na nakaharap na sa amin habang nasa magkabilang gilid ang magulang niya at ang babaeng kapatid.
May lumapit na lalaking naka-kulay itim na suit at inabutan siya ng mikropono, pagkahawak niya sa mikropono ay automatiko na nanahimik ang paligid. Ganoon kalakas ang aura niya. Wala na siyang kailangan gawin at mapapatahimik niya ang lahat ng tao na nandito.
"iyan ang target natin." Napahawak ako sa tenga 'nang biglang nagsalita si Carding.
"Gago ka Carding, ang gwapo naman niyan." Kinikilig na sabi ni Conchita.
Siniko ko siya dahil napapatingin ang ibang tao sa amin. Jusko, ang malanding bibig no COnchita hindi na naman niya ma-control. Umayos ako ng tayo at marahan na kinurot ang kamay.
Kailangan kong mag-focus sa misyon naming, okay na namangha ako kay Dream. Isa lang naman ang pinunta namin ditto at iyon ay ang pera nila.
"Thank you for coming, everyone."
Napahugot ako ng hininga 'nang marinig ko ang boses niya. Pota, kung ano kina-gwapo ng itsura niya ay ganoon din ang boses niya. ANg sarap sa tenga at lalaking lalaki ang boses niya, malalim at nakaka-intimidate lalo na sa accent ng pag-iingles niya.
Ellora! Umayos ka nga! Para ka naman first time ko makakita ng lalaki. Sermon ko sa aking sarili.
"Mom, dad and princess. Thank you for supporting me always. I will never let you down and I will live in your expectation. I will make the Cordova Empire the best and the risches company in the world."
Pumalakpak ulit lahat ng tao sa sinabi ni Dream. NAgyakapan ulit ang pamilya at nagsimula na silang bumaba mula sa hagdanan. Kasabay 'nun ay naglakad na halos lahat ng bisita papunta asa harapan at mukhang nag-uunahan makalapit sa mga Cordova.
Habang ako naman ay tumabi sa hagdanan, kailangan ko pang hilahin si Conchita dahil hanggang ngayon ay nakatulala pa rink ay Dream. Eto tlaga ang problema sa isang 'to. Napaka-rupok sa mga gwapo!
"Hoy COnchita! Umayos ka nga!" Sermon ko sa kaniya. Ayaw pa kasi magpahila! Mukhang may balak pang lapitan si Dream.
"Grabe ka Ellora! Bato ka ba?! Hindi k aba na-wet kay Dream?!" Eskandalosa niyang sigaw.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.