Ellora
Sinabit ko 'yung vest na uniform ko sa balikat at pinusod ang mahaba ko'ng buhok. Naglagay lang ako ng manipis na liptint sa labi at konti sa pisngi ko para magka-kulay naman ng konti ang mukha ko. Tinitigan ko pa ulit ang mukha ko, pak ang ganda ko. Parang tanga na nginitian ko ang repleksyon ko sa salamin.
Naka-suot lang ako ng simpleng puting long sleeves at maong na short, sabi naman kasi ni boss Owen wala naman dress code saka mas kumportable ako sa ganito suotin.
Nang natuwa na ako sa itsura ko ay lumabas na ako sa kwarto at muntik pa ako mapa-tili dahil bumungad sa akin sila Dream at Japoy na magkatabing nakatayo sa mismong harapan ng pintuan ng kwarto ko.
"Nakakagulat naman kayo!" sabi ko sa kanila at hinawi sila, nakaharang sila sa dina-daanan ko e.
"Hahatid ka namin sa work mo ate." sabi ni Japoy habang nakasunod sa akin.
"Yeah, we want to see where you work." segunda naman ni Japoy.
Napabuntong hininga ako at umupo sa sahig para mag-suot ng rubber shoes. Kaya naman pala maaga umuwi si Dream, tinotoo talaga niya ang sinabi niya kahapon, pero hindi ko inasahan na sasama sa kaniya si Japoy.
"Kahit naman hindi na." sabi ko sa kanila pero alam ko naman na hindi sila papayag na hindi ako ihatid.
Sabay sabay na kami lumabas ng apartment, binilinan ko din si Japoy na i-double check lahat pagka-uwi niya dahil siya ang maiiwan mag-isa sa apartment. Nakapagluto na din ako ng hapunan nila ewan ko lang kung kakain dito si Dream lalo na at wala ako.
"Wala kang dalang bag?" tanong sa akin ni Japoy.
"Ano naman ilalagay ko sa bag?" Kasya naman sa bulsa ang cellphone ko tapos 'yung uniform ko isasabit ko lang sa balikat. May konting barya din ako sa bulsa in case na gusto ko gumastos kaya hindi ko na kailangan ng bag.
"Saka agaw atensyon ang bag, mamaya isipin nila may pera ako e wala naman." noon kasi ang target namin ay 'yung may malalaking bag kasi alam namin na madaming laman 'yun.
Perks ng isang retired snatcher.
"AT ikaw Dream, hindi mo ako pwede bantayan sa trabaho ko. Nagkaka-intindihan ba tayo?" kinausap ko na siya dito pa lang kasi pakiramdam ko kapag nag-abot pa kami sa trabaho ay hindi siya umuwi.
Pinaningkitan niya ako ng tingin. Aha! Sabi na e iyon ang balak niya!
"Why?" tanong niya.
"Haaa? anong why ka diyan?! Syempre bawal!" patanong tanong pa siya.
Naisip ko tuloy si Owen parang masama kung magkikita silang dalawa mukha pa naman hindi magugustuhan ni Dream ang ugali 'nun.
"Hoy Japoy, sabay kayo uuwi neto ah." bilin ko sa kapatid ko at dinuro si Dream.
Wala akong tiwala sa kaniya, isa pa 'tong matigas ang ulo e. Lagi niyang sinasabi na ako daw ang matigas ang ulo pero siya din naman, mapag-kunwari ka Dream.
Nagsimula na kami maglakad papunta sa trabaho mga 10 minutes walk lang naman iyon, medyo maaga ako dumating kasi nagpapa-good shot muna ako tsaka na ako magpapa-late kapag ka-close ko na talaga si boss.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan mapansin ang mga tao na napapalingon kay Dream. Paano ba naman naka-suit pa din siya kagagaling lang niya kasi sa trabaho. Agaw pansin na nga mukha niya pati suot niya, halatang hindi siya nababagay dito at maglakad. Mukha kasi siyang lalaki na dapat naka-sasakyan lagi.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa work ko, hindi muna kami pumasok paano ba naman si Dream sinusuri ang paligid, hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.