Chapter 7

12 0 0
                                    

Ellora

One week later..

"Follow me."

Mukhang tapos na ang pagiging janitor ko sa buhay ni Dream at ngayon ay ginawa naman niya akong aso. Pagkatapos niya akong pag-linisin ng bubong (talagang nilinis ko iyon hayup siya) naging buntot naman niya ako dahil kahit saan siya pumunta ay nakasunod ako sa kaniya.

Syempre pwera lang sa CR or sa kwarto niya. Kapag nasa opisina siya ay nakatayo lang ako sa gilid niya or nasa may upuan sa harap niya. Parang mas gusto ko maging janitor kesa naman naka-sunod ako lagi sa kaniya.

Umay na umay na ako sa mukha niya atsaka nakaka-tamad! Wala naman siyang ginagawa kung 'di pumirma sa mga papel mag-basa ng napaka-raming papeles hindi ko din naman maintidihan at english. Nakaka-alis lang ako sa tabi niya kapag nagpapakuha siya ng tubig o pagkain.

"Boss, amo." tawag ko sa kaniya saglit siyang tumigil sa pag-babasa at tinignan ako sandali. "Hindi ka ba nag-sasawa sa mukha ko? kasi ako nagsasawa na ako. Ang sakit na din ng mata ko ang daming letra niyang mga papel mo. borlogs na ako." Reklamo ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko bago ibaba ang mga papel na hawak niya.

"No, just stay where you are. Why? Mas gusto mo ba kasama si Craige?" Inis niyang sabi sa akin.

"Sa totoo lang? Oo, kasi si Craige mabait, ikaw hindi." Prangka kong sagot kahit hindi ko alam kung bakit nasingit si Craige sa usapan namin.

Lalong lumalim ang kunot ng noo niya. "Mabait din ako, mas mabait pa ako sa kaniya." Inis niyang sagot sa akin.

"Hindi kaya." syempre hindi ako mag-papatalo.

"Kung hindi ako mabait matagal ka na nasa pulis. So, shut up woman." Natawa na lang ako sa sagot niya.

"Mabait daw siya pero shina-shut up ako." bulong ko sa sarili ko na mukhang narinig din niya. Dahil sinamaan ako lalo ng tingin.

"Just.. keep quiet."

Wala na ako nagawa dahil mukhang wala siyang balak paalisin ako. Ang sakit na ng paa ko ah, nangangawit na ako sa kakatayo. Mas sanay ako gumagalaw, mas napapagod ako kapag wala akong ginagawa. Kahit mag-ikot ikot lang okay na ako. Ayoko ditooo.

Nakasimangot pa rin ako at hindi mapakali sa kinatatayuan ko, mukha naman naramdaman ni Dream na hindi ako kumportable kaya nagulat ako 'nang bigla niyang ibaba ang mga papel na hawak niya at tumayo.

"Let's walk." Napangiti ako at sumunod sa kaniya.

At naglakad nga lang talaga kami sa bakuran na dinadamo ko last week. Mabuti naman at m,ukhang magandan ang mood ng panahon ngayon dahil kahit pa-tanghali na ay hindi maaraw, makulimlim lang pero hindi naman mukhang uulan.

Napatingin ako sa likod ni Dream, inalis na niya 'yung itim na coat na suot niya at naka whote longsleeves na lang siya naka-fold din ang manggas niya hanggang sa siko niya. Ang tangkad niya pala, kaya pala kapag nakikipag-away ako sa kaniya lagi masakit ang leeg ko dahil naka-tingala ako.

Hay nako Dream, ang sakit mo sa leeg.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na buhay pa rin ako dito, mag-tatalong linggo na ako dito, kahit papaano naman ay nakaranas ako ng magandang buhay at masarap na pagkain. Grabe, kahit katulong lang o preso ako dito hindi ako umuulit ng ulam lagi iba't ibang klase ang ulam ko mula sa almusal hanggang hapunan at 'wag ka may dessert pang kasama. 'Di ba pwede na ako mamatay dahil busog na busog na ako.

Pero alam ko naman ang kapalit 'nun ay hindi kasiguraduhan kung ano mangyayari sa akin sa mga susunod na raw. Mamaya eh habangbuhay na nila ako ikulong dito. Ang tagal ko na hindi nakakalabas dito, puro si Dream o 'yung m,ga alagad niya ang nakikita ko. Iyong mga ibang kasambahay nila dito ay bihira ko lang din makita, parang nilalayuan ako.Nag-aalala na din ako at baka bigla na lang may dumampot sa akin dito na pulis. Baka binubusog lang ako nito tapos ipapakain sa alaga nilang lion o kaya halimaw. Alam kong posibleng mangyari 'yun dahil napaka-yaman nila Dream.

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon