Chapter 17

14 0 0
                                        


Ellora

Kasalukuyan ko dinidiligan ang sandamakmak na halaman nila Dream dito sa mansyon. Bakit ko 'to ginagawa? Kasi trip ko lang. Nakakakita ako ng hose kaya pinag-tripan ko at para makabawi na din kay mother earth, pero sa sobrang laki ng garden nila Dream ay baka bukas pa ako matapos sa pandidilig. 

"Sana all may dilig." bulong ko sa sarili. 

Inayos ko 'yung panyo na nakabalot sa ulo ko para hindi ako masyado mabilad sa araw, wala kasi ako makita sumbrero sa loob nahihiya naman ako humiram kay Dream. Kahit papaano naman ay nag-eenjoy ako sa ginagawa ko kesa naka-kulong na naman ako sa opisina ni Dream. 

Himala nga at hindi pa ako 'nun hinahanap, noong mga nakaraang linggo kasi mawala lang ako sa tabi niya ng ilang minuto galit na galit na lalo na pagkatapos niya lapastanganin ang labi ko. 

"Arrrgh!" naramdaman ko na naman ang pamumula ng buong katawan ko. 

Ilang linggo na lumipas bakit hindi ko pa rin makalimutan ang halik ni Dream?! Ginayuma yata ako 'nun ah! Hinilamos ko 'yung mukha ko para mawala ang pamumula 'nun. Walangya ka talaga Dream. 

Pero infairness naman, sa gwapo ko naibigay ang first kiss ko at saka ang galing niyang humalik! Halos manlambot ang tuhod ko sa ginawa niya, muntik pa ako mahimatay sa halikan na ginawa namin. Wala na pati ang labi ko pagmamay-ari na niya! 

Sana pala siningil ko siya sa kiss na ginawa niya para kahit papaano ay kumita ako. 

"What are you doing here?" pinigilan ko basain 'yung taong nasa harapan ko. 

Himala at kinaukausap na ako ni Celestine. 

Hindi ko siya sinagot kaagad at tinitigan ko siya, tinantya ko muna kung makikipag-away ba siya o behave siya ngayon. 

"Ikaw? Ano ginagawa mo dito?" balik na tanong ko sa kaniya. 

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wow, bahay mo?" sarcastic niyang sabi.

"Close kami ng may-ari." pagmamayabang ko at agad ko nakita na nainis siya sa sagot ko. 

"Mas close kami! They're my family!" patol sa akin ni Celestine. 

Ngumisi ako. "Sus, kapamilya mo lang e. Ako nga naka-halikan ko na sa lips pa with feelings." 

Pinigilan ko matawa dahil namula kaagad sa galit si Celestine. Hindi ko ba alam sa babaeng 'to bakit ang hilig niya makipag-away siya naman na-uunang ma-pikon. 

"Eww!" 

"Hindi kaya 'eww' 'yun, 'ohh' at 'ahh' kaya!" umungol pa ako sa harapan niya para lalo siya ma-inis. 

Mabuti na lang talaga kaming dalawa lang nandito. 

"Pervert ka! Gross!" napa-padyak na siya sa inis at dinuro duro na ako kaya hindi ko napigilan matawa. 

"Inggit ka lang. Wala ka lang dilig e!" nakaka-miss din pala kaaway nito ni Celestine. 

"Ahhh! I hate you!" at nag-martsa na siya paalis. 

Tawa lang ako ng tawa habang pinapanood siya mag-walk out. Grabe napa-saya ako 'nun ah. Dapat pala si Celestine ang hinahanap ko kapag bored ako kasi napapa-saya niya ako. 

"Seriously," napatalon ako sa gulat 'nang marinig ko ang boses ni Dream. 

Nakatayo siya sa may terrace nila. naka-simpleng puting dress shirt siya na naka-fold ang manggas at itim na slacks, mukhang kanina pa siya nakikinig base sa ngisi ng mukha niya. 

Punyemas, narinig ba niya 'yung mga sinabi ko at 'yung ungol ko?! 

Sumimangot ako kaagad 'nang nagsimula na siya maglakad papalapit sa akin na may malaking ngiti sa mukha. Tuwang tuwa ang gago. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon